Guro
Written by: QueenSandok / Via Aiv
Date posted: September 30, 2017 , 2:23 pmPara ito sa pangalawa naming ina
Sa inang aming makakasama
Sa amin ay gagabay at mangangalaga
Sa ilang buwan paLaking pasalamat namin na nandito ka
Kahit nakakasama mo lang kami sa umaga
Ngunit nandito ka para kami'y intindihin
Sa kabila ng sandamakmak naming gawainSalamat sa iyong mga tinuro
Na nilaanan mo ng oras para ipaintindi sa mga estudyante mo
Salamat sa pagtatyaga mo
Tyaga para ipaintindi ang araling medyo komplikadoGinang Rosalie Escuadro
Ang aming pinakamamahal na guro
Salamat sa iyong mga tinuro
Pati na rin sa iyong pag-aasikasoNgayon araw ng mga guro
Gusto naming sumaya kayo
Kaya sa pamamagitan ng tulang ito
Sana'y may kumurbang ngiti sa labi moSa mga darating pang buwan
Alam naming marami pa kaming matututunan
Na madadala namin sa kinabukasan
Tungkol sa Siyensya o sa buhay manHindi na namin ito patatagalin
Nais ka lang naming pasayahin
Magtagal ka pa sana sa pagtuturo
At makatulong sa bayan bilang guro---
Yey! 5 days nalang before World Teachers Day! Excited na kaming lahat! Then October 7, hindi man ako makakapunta sa VPP atleast, makakasama ko ang mga bata! Thank you, Lord! Saya saya ng Ber Months ko😍
BINABASA MO ANG
Tears Per Lines [Poetries]
Puisi"Ako'y may sasahin Ayaw kong diretsohin Nais kong iparating sa iyo Sa pamamagitan ng mga tula ko..." A collection of poetries: Unspoken poetries, poems about friends, love and family, poems about some great Wattpad stories and local movies, free ver...