Gagohan

322 3 0
                                        

To those who are forcing themselves to love and eagerly want to be in a relationship just because they want to move on or lessen heartaches. This is for you😔😭

Gagohan
Words by: Via Aiv
Date posted: August 21, 2017, 3:05 am

Hindi ko alam
Wala akong alam
Ang tanging sagot ko'y oo
Nang hingin mo ang kamay ko
Wala akong alam

Galing ako sa matinding lungkot
Sobrang pasakit ang aking inabot
Dumating sa puntong gusto kong makalimot
Ayaw kong mabagot
Kaya ako napasagot

Habang ikaw ay kailan lang
Nanggaling rin sa hiwalayan
Hindi ko mawari kung bakit ganon kadali
Bakit bigla agad napawi?
Ako ba ang dahilan o panakip butas lang?

Magkatabi tayo
Hawak mo ang kamay ko
Nakatingin ka sa malayo
Habang may inaabangan ako
Tayo ba talaga o gaguhan lang 'to?

Minsa'y makikita mo siya
Ako nama'y may maaalala
Kapwa tayong iba ang landas
Kahit may tanikalang hindi mabaklas
Sapagkat tayo ang susi na kapwa nawawala

Normal ang lahat
Hindi matamis, hindi mapait.
Batid yata ng lahat na ito'y pilit
Para nga ba saan?
Para matabunan ang sakit na dinaramdam?

Noong sinabi mo sa aking mahal mo ako
Agaran akong naloko, umoo
Hinayaan magpadala sa emosyon
Baka sakaling sa alon na iyon
Baka doon rin makaahon

Tumulad lang rin ako sa sinabi mo
Ramdam ko kasi ang lungkot mo
Nadala ako sa pagpatak ng luha mo
Nasabik ako sa halik mo
Kumbaga parang awa nalang ito

Gaguhan na 'to
Hindi laro sapagkat pareho tayong talo
Parehong taya at hinahanap ang saya
Gaguhan ito, lokohan
Pareho lang tayong magkakasakitan

---
Yes po, halo halo na this. Kaya sure akong matatapos niyo 'tong nakarelate kayo😅

Tears Per Lines [Poetries]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon