Dito Na Matatapos

42 2 0
                                    

Dito Na Matatapos
Written by: QueenSandok / Via Aiv
Date posted: October 6, 2017 , 5:22 PM

Ilang taon na kitang pinaghawakan
Ilang beses na kitang sinundan
Ilang dapa na ang aking naranasan
Ilang pag-asa na ang aking kinapitan
Ngunit nandito pa rin ako sa 'yo
Humahabol sa likod mo
Nag-aabang sa pagtigil mo
Nagbabakasakaling lingunin mo
Pero nasaan ka?
Bakit ako nagpapatuloy kung wala ka?
Bakit ang tibay ng pag-asa?
Bakit hindi kita mamura kahit nakakapagod na?
Kasi nga mahal kita
Sana alam mo na 'yon noong una
Sana pinahalagahan mo manlang
Dahil lahat ay umaayon, ikaw lang ang hadlang

Mahal nakakapagod na kasi
Nakakasawang ngumiti
Nakakapagod humikbi
Wala nang silbi ang itama pa ang mali
Tapos na, mahal, tapos na
Pasensya dahil bigla akong nagsawa
Patawad kung hindi ako nagsalita
Ipagpaumanhin mo sana na tatalikuran na kita
Dahil sobra na, hindi ko na kaya
Ayaw kitang maisama sa sistema
Ayokong maging mundo kita
Sapat na ang ilang taon na sa 'yo ako umikot
Sapat na ang panahong takot akong malimot

Hindi ko maikakailang minahal kita
Hindi ko masisisi ang puso kong gusto ka
Ngunit hindi na tamang mahalin ka pa
Dahil habang tumatagal wala nang hustisya
Nagbabago na ang mundo ko
Binabalewala ko na ang paligid ko
Kinakalimutan ko na kung sino ako
Dahil mula ulo hanggang puso, ikaw at ikaw ang nandito

Oo, masaya sana dahil nagmamahal ako
Pero nagmahal ako ng maling tao
Nagmahal ako ng tulad mo
Na ni minsa'y hindi nakatanggap ng pagtanggap mo
Nautog na siguro ako sa katotohanang wala na
Nagising siguro ako sa panaginip ng pag-asa
Naubos na yata ang anesthesia sa puso kong bugbog sarado na
Namula na yata ang mata ko sa totoong mundo kung saan wala ka

Hindi na ako nagdadalawang isip na bumitaw
Hindi na ako babalik sa panahong ang mahal ko pa'y ikaw
Hindi na ako hahabol
Tapos na akong humagulgol
Wala nang luhang tumutulo
Wala nang pag-asang namumuo
Pagod na ang puso ko
Nagsawa na siguro sa 'yo
Panahon na ng pagraos
Dito na, sa lugar na ito
Sa lugar kung saan nagsimula 'to
Dito na matatapos

Tears Per Lines [Poetries]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon