Dugtungan

124 1 0
                                        

Title: Dugtungan
Written by: Via Aiv , QueenSandok WP
Date posted: June 12, 2017, 12:57 pm

---
Dedicated sa mga pasaway na tanga. Tuloy niyo lang yan. Dyan kayo masaya eh😂😂😂
---

Lipas na ang nakaraan
Ngunit nanatili ang nararamdaman
Lipas na ang nakaraan
Ngunit 'di ka malimutan

Nakakalungkot na wala kang alam
Nakakapanghinayang na di mo ramdam
Nakakainis dahil wala kang nararadaman
Nakakasakit ng pusong sawa nang masaktan

Sa bawat gabing iniisip ka
Nagbabakasakaling umamin ka
Kahit imposible talaga
Pero gano'n ako katanga

Inaasam ang inaasahan
Sana'y pareho ang nararamdaman
Umaasang mahanap ang pag-asa kung saan
Para kahit pa paano'y masuklian

Pilit ibinabalik ang nakaraan
Sana man lang ay madugtungan
Hindi mauwi sa katapusan
Ngunit tapos na rin noon pa man

Sana'y wala na, sana'y tapos na
Sana'y matigil na, sana't matauhan na
Ngunit walang napapala ang mga sana
Kung ang puso'y nagpapakatanga

Wala nang dudugtungan
Wala nang aasahan
Ngunit walang kasawaan
Sanay na kasing masaktan

---
Immune na ba?😂😂😂
---

Tears Per Lines [Poetries]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon