Pinigilan Ko Naman
Written by: QueenSandok
Date: January 14, 2018
Hindi ko inaasahan
Biglang naramdaman
Walang rason
Maraming tanong
Hindi alam ang sagot
Hindi magawang mabagot
Maraming mali
Ako'y nanatili
Ilang beses umiwas
Mga dahilang gasgas
Mga araw na hinayaan
Paglapit na pinigilan
Inibang pakisama
Usapang malamig na
Maraming kasali
Ako'y naisang-tabi
Madalas masakit
Masakit maipit
Ngunit 'di matinag
Ang puso'y matatag
Patuloy na umaasa
Nanatiling nakatingala
Inaantay ka
Minamahal ka
Pinigilan ko naman
Pilit kinalimutan
Sunubukan kang talikuran
Kahit na masaktan
Dahil baka hindi pwede
Maaaring imposible
Malabong mangyari
At baka mali
Ngunit ako'y naririto
Na nasa likod mo
Pinapapasok ang papunta
Pinapalabas ang aalis na
Nakatulala sa kasalukuyan
Nakangiting nasasaktan
Suportado kita
Kahit para sa iba
Siguro gano'n ako katanga
Para sa 'yo, sinta
Pinigilan ko naman
Tinanggal ka sa isipan
Nag-isip ng negatibo
Tinaggal ka sa puso
Ngunit sadyang tanga
Napamahal na yata
Ano pa bang magagawa
Kung mahal kitang talaga?
BINABASA MO ANG
Tears Per Lines [Poetries]
Poetry"Ako'y may sasahin Ayaw kong diretsohin Nais kong iparating sa iyo Sa pamamagitan ng mga tula ko..." A collection of poetries: Unspoken poetries, poems about friends, love and family, poems about some great Wattpad stories and local movies, free ver...
![Tears Per Lines [Poetries]](https://img.wattpad.com/cover/120690673-64-k705763.jpg)