Laya

34 0 0
                                    

Laya
Written by: QueenSandok
Date: January 13, 2018

Akala ko noo'y malayo pa
Ngunit nasa dulo na pala
Ilang hakbang na lamang
Ito na ang katapusan

Ayaw pa sana kitang bitawan
Kaso paano ako lalaban?
Kung oras na ang kalaban
Kung pareho nang nasasaktan

Nanlamig na ang hangin
Blangko na ang paningin
Hindi na tulad noong una
Na parang nahihinuha kong wala na

'Di tulad ng mga lumipas
Na kahit mga kupas
Ang sarap ulit madanas
Ng emosyong nag-uumapaw nang wagas

Ngunit mananatili nalang ba tayo sa maliit na bilog na ating binuo?
Sa dating tayong sa bawat araw ay ninaais nais ko?
Sa isang bilog na nakakahilo nang umikot
Dahil masyado nang nakakapagod

Sa bilog na 'yon, nais ko sanang gawing linya
Nais na kitang bigyan ng laya
Ihahatid ka sa dulo ng linya
Sabay hahayaan kang mawala

Ako, bahala na kung babalik ba sa simula
O pagkatapos mong mawala ay aalis na rin ako sa linya
Saka hahanap ng tamang lugar ko
Sa may anggulo, sa pwedeng umupo ngunit hindi susuko

Mahal kita pero hindi yon sapat na rason
Para magawa kitang ikulong
Sa hindi natin ginustong sitwasyon
At sadya lamang talaga ng panahon

Malaya ka na, pinalalaya na kita
Hindi ako, hindi ikaw pero tayong dalawa
Baka nangyari 'to dahil sa ating dalawa
O baka hindi lang tayo ang itinadhana

Tears Per Lines [Poetries]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon