Kalayaan sa Ilalim ng Manggahan
Ni QueenSandok
June 12, 2018Maulan noon sa bahay nang magkwento ang aking tiyahin. Isang makulimlim na umaga nang siya'y magising. Iba sa pakiramdam, ibang-iba sa kadalasan, na tila may mangyayaring ngayon niya lamang mararanasan. Pinaalala niya sa amin ang patay na puno ng mangga
Na nakatayo nalang mag-isa at wala nang tumutubong dahon at bunga. Dati raw ay mayabong iyon at hitik na hitik sa mangga. Matamis ang hinog na mangga na bagong pitas mula rito. Kaya napadalas ang pagpunta ng tiyahin ko saka nakilala ang lalaking hindi taga rito. Makikita sa mga mata ni Tiya ang pagkalalim lalim na alaala na tila ngayon na lamang niya inalala. Mga matang kumikislap na hindi ko malaman kung sa luha ba o sa tuwa. Itinuloy niya ang kwento habang nakadungaw sa bintana
Kung saan makikita mula rito ang patay na puno ng mangga mula nang makilala niya ang lalaki sa manggahan. Walang araw na hindi sila magtatagpo. Naging tambayan na kasi nila iyon sa buong buwan ng Marso. Mayo nang magtapat ito ng nararamdaman na siya namang nadarama rin ng aking tiyahin. Hindi makilala raw ang tiyahin ko nang umuwi ng bahay na iba ang suot na ngiti. Lumabas ito kinabukasan nang iba na rin ang ayos at paggalaw. Di nagtangal, nalaman iyon ng kanilang mga magulang. May kasintahan si Tiya na naroon sa manggahan. Hindi sila nagin balakid sa kanilang pag-iibigan bagamat ikinatuwa nila ang nabalitaan. Iba ang ngiti ng tiyahin ko habang nagkukwento na tila ba nakikita ko na ang nakaraan at ang eksaktong kasiyahan niya sa kwento. Maging ako rin at nawili na sa pakikinig kaya't madali akong nagsabi na ituloy na. Itunuloy niya ang kwento. Natapos daw ang Mayo nang puno ng saya at pagmamahalan nilang dalawa. Saksi ang manggahan sa araw-araw na pagsasama nila. Ibang saya sa tuwing magkahawak kamay silang nagkukwentuhan sa ilalim ng manggahan. Ibang saya sa tuwing maggagabi na at kailangan nang umuwi kaya't bilang paalam ay hahalik ang lalaki sa labi ni tiya sa likod ng manggahan saka siya ihahatid sa kanilang bahay. Iba rin ang saya sa tuwing tatakas silang pareho sa kalagitnaan ng gabi sabay magtatapo sa manggahan sabay makakatulugan ang kanilang kwentuhan at masisinagan ng araw na magkatabi't magkayakapan. Noong makulimlim na umaga na nagising siya sa kwarto, iba rin ang ngiti niya kahit hindi niya malaman ang kakaibang pakiramdam. Nagtungo siya sa manggahan at natagpuan agad ang kasintahan. Tulad niya ay nakabihis din ito. Tumulo ang luha ni Tiya. Humalik ang lalaki sa noo niya sabay bigkas ng katagang "Aalis na ako." Saka umalis patungong bayan. Tinanaw ng nanlalabo niyang mga mata ang papalayong kasintahan. Natigil ang pagluha niya nang tawagin siya ng akin ina. Tutungo rin sila sa bayan upang saksihan ang paglaya ng Pilipinas. Nang maparoon sila ay namataan niya agad ang lalaki. Malayo ito sa kanya. Nang idineklara ang kalayaan ng bayan at nasundan ito ng kasiyahan ng sangkatauhan. Nagkagulo ang paligid pero malinaw sa kanya ang pag-alis ng lalaki. Bitbit ang mga gamit at ang nakababatang kapatid na madalas niya na ikwento sa aking tiyahin. Naluha ako sa mga linyang binitawan ng aking tiyahin. "Siya lang ang minahal ko mula noong hanggang sa dulo. Ilang taon na mula nang lumaya ang ating bansa ngunit ako ay nakakulong pa rin sa pag-asang babalik siya sa rehas na ako rin ang may gawa." At ngayon malinaw na sa akin kung bakit siya naging tandang dalaga.

BINABASA MO ANG
Tears Per Lines [Poetries]
Poetry"Ako'y may sasahin Ayaw kong diretsohin Nais kong iparating sa iyo Sa pamamagitan ng mga tula ko..." A collection of poetries: Unspoken poetries, poems about friends, love and family, poems about some great Wattpad stories and local movies, free ver...