Hubad

51 1 0
                                    

To those who are suffering depression, sadness, loniless, confusion, insecurity and frustration. For those who think that death/suicide is the only way to escape obstacles in life, it's time to take time and read this. I swear, naiintindihan ko kayo. This poem is supposed to be a tragic one but then, nagising ako bigla. So please, lemme try to comfort you. Dadamayan ko lang kayo.

"Hubad"
Words by: Via Aiv / QueenSandok
Date posted: October 26, 2017 , 4:11 am

Katahimikan...
Papaano ka makakarinig ng katahimikan kung magulo ang iyong isipan at malungkot ang iyong kalooban.
Humihikbi patago ang iyong pusong tapang tapangan
Habang sumisigaw ang isip mong nakulong sa kaguluhan
Walang matakbuhan ang iyong mga paang nakatali sa mga suliranin
Walang masandalan ang iyong ulong may mukhang masayahin
Nakadilat ang mga matang nanuyot sa kalungkutan
At nais nang pumikit at tapusin ang laban
Nanginginig ang mga daliring nais makadama
Makadama ng ginhawa at kamay ng kalinga
Habang nakatayo ang mga brasong nangangalay
Nangangalay sa paghihintay ng pag-alalay
Sobrang bigat na ng mga balikat na kapag tinulak ay matinding lalagapak
Dahil sa patong patong na hirap na sinalo mong lahat
Gusto nang humalik ng mga tuhod mo sa lupa
Nais na nilang humiwalay sa paang may tanikala
Diretso na ang magkabilaang talampakan
Dahil ilang taong ka na ring natindig sa laban
Nakayupi na ang matitigas na daliri sa paa
Dahil nais na nilang magtago at sumuko na
Habang ang mga hita ay nangagsipayat na sa kakatakbo at kakahabol sa pag-asa
Ang iyong tyan na hangin nalang ang laman
Ang iyong bitukang sukang suka na
Ang iyong mga atay na nais nang mamatay
Ang iyong dibdib na minsan mong pinagselosan dahil kahit papaano'y nayayakap ng 'yong kasuotan
Samantalang ikaw na pinagmulan ay hindi nila mayakap sapagkat hindi ka nila maintindihan
At ang iyong leeg na kinwintasan ng kalawanging tanikala
Na tila simula nang ikaw ay bata, ipinamana na sa iyo ng mundo ang lahat ng problema
Ngayo'y nangangati ka na't nais mong nang hubangin
Ngunit walang susi para kayo'y paghiwalayin
Tila mabubulok ka muna bago ito alisin
At dapat ay abo na ka at lilisanin nalang ng hangin
Sa hinaba ng panahon na singhaba na rin ng buhok mo
Singhaba rin nito ang mga problemang kinaharap at kinakaharap mo
Habang nangangati na rin ang iyong batok
Naiisipan mong ipaputok ang iyong buhok
Nais mo nang putulin ang buhay mo
Ngunit tulad ng buhok ay magpapatuloy pa ito
Ilang beses nang nakarinig ang iyong tainga
Ilang sikreto na ba ang narinig mo na?
Ilang mababahong ugali ang naamoy mo gamit ang ilong?
Ngunit hindi ka sumuko kundi ay lumingon
Habang magkadikit ang iyong mga labing nais bumuka
Nagpupumiglas ang mga salita sa iyong dila
Nag-uuntugan ang mga ngipin mong walang magawa sa tuwing nais damayan ang dila.
Konektado sa iyong kilay na hindi makakulot
Dahil may dadalawa lang sila sa mga kapwa kilay na nakagpupumilit mag-abot
Ngayong nakahimlay ka sa kawalan
Hinubaran ka ng katotohanan
Tinanggal ang iyong maskarang nakatawa
Inalis ang makukulay na koloreteng tinago kung sino ka talaga
Marahas na hinubad ang mga damit mong pangsosyalan
Tinanggalan ka ng saplot sa katawan
Sapagkat tinago mo ang iyong kalooban
Kinulong mo ang iyong kalinisan
Niloko mo ang mga manonood mo sa peryahan
Akala nila'y isa kang manika
Manika na laging masaya, hindi mawawasak
Manikang nakatayo't kapag nagkasugat ay 'di kailangan ng bulak
Ngunit mali silang lahat dahil puno ka ng pasang tinamo mo noong itinulak ka ng kabiguan
Puno ka ng gasgas noong nagpupumiglas ka sa kamalasan
Puno ka ng daplis ng mga patalim habang umiilag sa mga masasakit na bumulungan
Puno ka ng saksak na mula sa mga taong niloloko pa sa likuran
Puno ka ng kalmot ng mga hinabol mo dahil ayaw mong malimot
Puno ka ng kurot mula sa kirot ng katotohanang nangungulit sa 'yong likod
Bugbog sarado ka na ng mundo
Nais mo nang sumuko
Ilang ihip nalang ng hangin maaari na nang matumba
Ilang daan nalang ng maya ang kasunod ay uwak na
Siya nalang ang makikinabang sa natitira mo pang ganda
Padadaliin na niya ang buhay mo hanggang sa mabulok ka
Ngunit tandaan mo sana na may kalapating nakamasid
Nasa gitna siya ng himpapawid
Mabubulok ka sa lupa kung uwak ang uubos sa iyong natitirang saya
Habang inuubos ang mga natitira'y patuloy kang masasaktan
Ngunit kung Siya na nakamasid ang iyong inayang tapusin na
Hindi ka niyang tatapusin ng tulad ng uwak kanina
Bagkus ay itatayo ka Niya, papagpagan, lilinisan saka yayakapin kahit gaano ka pa sugatan
Matapos ay magugulat ka nalang ang tila may nabuhay kang iyong kamukha
Senyales lang 'yon na muli kang magsimula
Muling tumindig at lumubog sa tubig
Sapagkat sa pagkakataon ngayon
Sa bagong ikaw, bagong pag-asa
Sa pagsunod sa liwanag at pagsunod ng kadiliman
At ang kadilaman ay hindi na kailan man mauumahan mag kaliwanagan
Sapagkat kasabay mo ang araw at buwan
Ikaw at ang Kataas-Taasan

---
So hello guys! Welcome back to me! Since September, I've been suffering depression kaya hirap na hirap talaga akong i-compose ang sarili ko saka magsulat. Since then ganito naman talaga ako pero parang napasobra ngayon. And now siguro medyo maayos-ayos ako pero hindi ko maipapangakong sunod-sunod ulit ang update ko. Salamat sa pagbabasa!

Tears Per Lines [Poetries]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon