Kita Kita

66 0 0
                                    

I was going to submit this poem on Wattpadislove, a page, but some are saying na tapos na yata ang pasahan. So yeah. I posted it here.

WARNING: DO NOT READ THIS IF YOU'RE NOT YET DONE READING UNTIL TRILOGY. MA-SPOIL KA BAHALA KA.

---

Kita Kita
To Elijah Montefalco
Written by  QueenSandok / Via Aiv
Date Posted: September 9, 2017 , 5:34 pm

Nasa Pilipinas ka
Nasa Cagayan De Oro pa nga
Iisang hangin ang hinihingahan natin
Iisang lupain ang tinatapakan natin

Mahal kita, Elijah
Marahil ay alam mo na
Malamang, may Facebook account ka
At malamang, halatang halata na

Alam ko kung paano ka kiligin
Alam ko kung paano ka paamuhin
Alam ko kung paano ka pagselosin
At alam na alam ko rin kung paano ka mahalin

Isa kang Montefalco
Isa sa mga hinahangaan sa campus niyo
Huwag kang matakot sa mga sasabihin ko
Ngunit alam ko ang lahat tungkol sa 'yo
z
Dalawan"zz  zzdg babae ang minahal mo
Isa noon, ang isa'y pinaglalaban mo
Huwag ka nang magtaka kung alam ko
Dahil ultimo mga pagtatago at sikreto niyo ay alam ko

Ang pag-ibig ay gyera at ikaw ang sundalo
Iyan ang sabi mo noong pinipilit mong lumaban kayo
Kayo ni Klare Montefalco
Ang babaeng pinsan mo

Natatakot ka na ba?
Nalilito ka na ba?
Sino ba talaga ako?
Espiya ba ako ng ama mo?

Mula sa mga kakaibang tinginan niyo
Sa mga sikretong pagkikita niyo
Hanggang sa pagtakas niyo sa pamilya niyo
At pagtatago sa Marco Polo, alam ko

Kahit noong tumungo ka sa ibang bansa
Na tanging solusyon para limutin siya
Pati ang pakikipagtalik sa iba
Na ni minsan hindi mo nagawa sa kanya, nakikita kita

Sino ako?
Ano ako sa buhay mo?
Bakit alam ko ang kwento mo?
Bakit malinaw sa akin ang sikreto mo?

Magpapakilala na ako
Isa ako sa mga taga hanga mo
Isa ako sa mga nagmamahal sa 'yo
At isa sa mga sumubaybay sa istorya mo

Nasa Pilipinas ka, nasa Pilipinas rin ako
Ngunit ang Pilipinas dalawa kung iisipin mo
Isa, ay dyan na nasa isip at imahinasyon ko
Ang isa'y kung nasaan ako kung saan walang Elijah Montefalco

Nababasa lang kita noong una
Ngunit tila lumalim at minahal na kita
Sinubaybayan ang kwento ng buhay niyo
At minamahal ka nang patago

Ngayong malinaw na
Pigil ang aking luha
Dahil kahit anong anggulo pa ng mundo
Hindi ka mapupunta rito

---

Tears Per Lines [Poetries]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon