Hindi Tayo Bagay

55 0 0
                                    

Hindi Tayo Bagay
Words by: QueemSandok / Via Aiv
Date posted: September 30, 2017 , 1:46 am

Tatanggapin ko na
Kahit labag sa loob ko pa
Tatanggapin ko na
Hindi tayo para sa isa't isa
Hindi sa lahat ng bagay ay bagay
At hindi lahat ng pinagtagpo ay bagay
Mayron lang talagang umaasa
At ako ko hindi, hindi ko sadya
Masyado ko lang pinalalim
Masyado ko lang inisip
Siguro nasobrahan sa paghanga
Hanggang sa dumulas at minahal ka na
Masyado ko lang nilapatan ng malisya
Kahit malalim na
Kahit bawal talaga
Kahit umaasa na
Kahit masakit na
Kahit paulit ulit na
Kahit wala kang ibang sagot kundi tawa
Tuloy ako sa kakaasa
Na baka pwede tayong dalawa
Na baka bagay tayong magsama
Akala ko noong kakotsaba ko ang tadhana
Mali pala ako ng akala
Dahil hindi lahat ng pinagtagpo
Ay makakarating hanggang dulo
Hindi lahat ng kilig,
hindi iihipan ng lamig
Hindi lahat ng tawa,
Ang ibig sabihin ay suporta
Hindi lahat ng nagsabing gusto ka
Ay para sa buhay nila
Hindi lahat ng nagsabing mahal ka
Ay totoo na
At hindi lahat ng nagsabing mahalaga ka
Ay panghabang buhay na
Bilog ang mundo kung aalahanin mo
Hindi lahat ng akala mo ay totoo
Hindi lang tayo nakaturong sa isang anggulo
Hindi tayo basta basta makakasigurado
Baka sa lahat ng inakala mo
Lahat pala ito'y motibo
Baka tulad ng pagtatanghal sa tiyatro
Ipapakita't ipaparandam lahat ng emosyon mo
Matapos nito, aakalain mong totoo
Ngunit hindi eh! Hindi totoo!
Maaaring tao, ang emosyon, ekspresyon at manerismo ay nakita't naramdaman mo
Ngunit palabas ang lahat at matapos nito
Lumabas ka man ng nakangiti o luhaan
Iiwanan ka pa rin ng alaala
Na mapapamahal ka
Na ipagmamalaki mo pa
Pero hindi ka na kilala
Anong silbi mo sa kanya?
Tapos na ang pagtatanghal
Hindi ka na niya mahal
Kaya sana matauhan ka
Hindi lahat ng 'yong nakikita
Ay totoo at panghabang buhay na
Parte lang 'yong ng palabas
At kung maaari, kahit 'di pa tapos ang palabas
Matuto kang lumabas

Kaunting payo ko lang 'yon
Naranasan ko na kaso 'yon
Kaso hindi ko lumabas
Ipinagpatuloy ko ang palabas
Ramdam ko na mahal niya ako
Ramdam ko na gusto niya ako
Pero hindi ko naalalang nasa kabilang dako ako

Mahal, masyado kang mataas!
Sobrang taas.
Na hindi na kita maabot lalo na't malayo ang tingin mo
At hindi nga naman ako para sayo
Hindi para sa akin ang ngiti mo
Hindi para sa akin ang puso mo
Hindi ka para sa akin
Dumaan ka lang sa akin
Hindi mo lang kasi ako pinalalahanan
Na sa larong 'to kailan kong pigilan ang ano mang mararamdaman
Laro lang kung laro
Landian kung landian
Usap kung usap
Tawanan kung tawanan
Kilig na may pagtitig ngunit mayamaya'y sa iba nakahilig
Sa araw na magkasama tayo
Sana pinaalala mong walang tayo
Walang magiging tayo
At wala akong pag-asa sayo
Patawad kung umasa ako
Patawad kung nagselos ako
Pero siguro oras na para maintindihan ang lahat
Oras na siguro para mamulat
Na hindi tayo bagay

Tears Per Lines [Poetries]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon