Abandonado

20 0 0
                                    

"Abandonado"
Written by: QueenSandok
Date posted: April 07, 2018

Sa pangatlong pagkakataon
Sa paglipas ng panahon
Pangatlong beses kong bubuksan ang pinto
Para sa 'yo... Para suklian ang pagmamahal mo
At sana sa pagkakataong ito, maranasan ang saya, pagmamahal at sakit na bago
Nang sa gayon ay kung hindi man tayo aabot sa dulo ay may parte ka sa buhay ko
Sa pagkakataong ito, bukas na ang pintuan
Halina't pumasok ka't suungin ang kadiliman
Kapa-kapa sa mga bagay na aking pinahahalagahan
Siguraduhin mo lang na iyong iingatan
Dahan-dahan...
Malapit ka na sa aking pinakaiingatan
Ikaw ay nasa kalagitnaan na ng kadiliman kaya't sana'y 'wag ka nang lumisan
Saglit lang, bago ka tumungo sa patutunguhan ay may kailangan ka pang malaman
Bumukas ang pintuan sapagkat nawasak mo ang harang
Harang na nanggaling sa nakaraan
Binubuo ng nanigas na puso, napakong pangako at libo-libong kasinungalingan mula sa iba't ibang tao
Napaamo mo ang mga kawal na inalayan mo ng kasiyahan
Pinakalma mo ang nagkukumawalang dragon sa pamamagitan ng pagtanggap sa kanyang pangit na kaanyuan
Kaya't bumukas ang pintuan dahil lahat sila'y iyong nalagpasan
Unti unti silang nagbibigay daan sayo matungo sa patutunguhan
At bilang katiwala, umaasa akong puro ang mga ipinadarama mo
Umaasa akong totoo ang mga salita mong nakapagpabukas ng pinto
Ngayon, umalis ka na riyan sa iyong pwesto
Sundan mo ang liwanag roon sa dulo
Sa iyong paglalakad, mula sa repleksyon ng liwanag sa dulo
Sa iyong paligid ay makikita mo ang ilang anino
Malinaw mong makikita ang mga pagkakamali't hindi mo gusto
Maaaring umatras, maaaring lumabas
Kalimutan ang kanina ko pang nabanggit at saka kumaripas
Ngunit nandito ka pa, maghanda
Nalalapit ka na, ihanda ang mga mata
Alisin ang kaba at pangamba
Nasa dulo ka na
Isang papel ang roon na kulay lila
Iyong ibuka at bigkasin ang salita
Galing iyon sa may ari ng pusong iyong pinasaya
Na naglalaman ng tatlong salita
"Mahal rin kita"

***
Sorry. Na-late sa Valentines 'to😂

Tears Per Lines [Poetries]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon