Kung Ako Sana
Written by: QueenSandok / Via Aiv
Date posted: November 07, 2017 , 10:35 pmPrinsesa ka sana
Kung ako sana
Malaya ka sana
Kung ako sana
Masaya ka sana
Kung ako sana ang mas pinili mo
Kung ako sana ang ginusto mo
Kung ako sana ang minahal mo
Kung ako sana ang nakita mo
Kung ako nalang sana
Sana akin ka
Sana masaya ka
Sana kasama kita
Sana tayo na
Sana...
Mahal, bakit kasi siya pa?
Mahal, mahal rin naman kita.
Mas naiintindihan kita
Hindi ka sana masasaktan pa
Dahil kung akin ka
Kung ako sana
Hindi maghihinala ang magulang mo na lumalandi ka
Walang masasapak ang kuya mo kapag ihahatid kita
Hindi kita babastusin
Lagi kitang aalalahanin
Hindi kita ikukulong
Hindi ako bubulong sa tuwing may kausap kang lalaking nanghihingi lang naman ng tulong
Hindi kita aawayin sa tuwing naaabutan kita sa madaling araw na gising pa rin
Malaya kang isuot ang gusto mo
Kung saan ka masaya, doon ako
Susuportahan kita sa mga gala mo
Kahit gustuhin mo man ang mga lalaking nadaraanan mo
Ako pa ang tutulong sa 'yo sa pagpapaganda
Dahil 'yon ang gusto mo't masaya ka
Kahit madaling araw na at gising pa
Gising lang rin ako at kausap ka
Ayos na ako sa simpleng bati mo
Ayos na ako sa simpleng yakap mo
Hindi ako tulad ng ibang lalaking nakikita mo
Na nagseselos dahil iba ang kachat at kausap mo
Malaya ka dahil mahal kita
'Yon ay kung nagmamahalan tayong dalawa
At hindi lang ako nagmamahal ng mag-isa
Tulad ngayon, habang may kasama kang iba
Kung ako sana
Tangina, kung ako nalang sana!
Ngunit hindi maaari
Alam kong mali
Kung susubukan kong sabihin
Alam ko ang maaari mong gawin
Iiwan mo ako, lalayo ka sa tabi ko
Lalamig ang malagkit nating pagsasama
Tulad ng pandikit na kupas na
Ayokong ipagsigawan dahil ayaw kong maiwan
Hindi ko kayang sumugal dahil malalayo ako sa 'yo, Mahal
Mali kasi hindi maaari
Bawal para sa mga banal
Hindi ako tanggap ng lipunan
At malamang, hindi mo rin ako tanggap bilang kasintahan
Pagkat ako'y isa ring binibini
Na nabihag sa isa ring binibini
Kung sana ako nalang siya
Kung lalaki lang ako sana
Sana tayo na
Ngunit alam kong malabo na
----
Okeh. LGBTQA! Mabuhay mga lesbi at bi!😂 Sheket be? Haha. Iba nagagawa ng AP namin ngayon eh😂
BINABASA MO ANG
Tears Per Lines [Poetries]
Thơ ca"Ako'y may sasahin Ayaw kong diretsohin Nais kong iparating sa iyo Sa pamamagitan ng mga tula ko..." A collection of poetries: Unspoken poetries, poems about friends, love and family, poems about some great Wattpad stories and local movies, free ver...