Maestra

39 0 0
                                    

"Maestra"
Written by: QueenSandok
Date posted: April 05, 2018

Sa ngayon, gusto ko lang magkwento
Noong bata pa kasi ako, isa lang ang kinikilala kong ina ko
Si Mama, yung nagdala sa akin ng siyam na buwan
Yung bumuhay sa 'kin sa kanyang sinapupunan at bubuhay sa 'kin hanggang sa kahuli-hulihan
Siya lang noon, walang kahit sino
Pero ngayon? Bukod sa kanya, meron akong apat na pu't apat na naging ama't ina
Sila yung nagdala sa akin sa kada isang taon
Hindi man sa sinapupunan pero sa paaralan
Hindi man nila ako pinakain ng kanilang pinaghirapan pero tinuruan nila ako ng kanilang pinag-aralan
At ngayon... isang panibagong ina na naman ang nagdala sa akin
Isang ina na nagbahagi ng kaalaman at tinulungan akong umakyat ng isang baitang sa hagdan ng tagumpay
Na higit sa siyam na buwan ay mahigit sampung buwang walang sawang palabas pasok sa pintuan ng silid aralan
Imbes na bumangon sa higaan upang maghanda ng agahan
Ay gumising nang maaga upang ihanda ang panibagong pag-aaralan
Ma'am, salamat sa pagiging ina nang sampung buwan
Salamat sa araw-araw na pakikipagsabayan sa init at ulan
Ma'am, hindi ka lang naging isang maestra kundi naging ina at kaibigan ka naming lahat
Lahat ng naririto ngayon sa paligid mo
Lahat kami ay magkakaroon ng kanya-kanyang tagumpay pagdating ng araw
At isa ka sa maraming dahilan kung bakit magtatagumpay kami sa buhay
Kaya't salamat sa lahat
Sa pagmamahal na pansamantagal
Sa mga alaalang kasama ka
Sa mga tawang pinagsasaluhan
Sa mga aral na di matutumbasan ng kahit ano pa man
Ma'am, iisa ka lang pero bilang isang guro salido kami sayo
Dahil kung wala ka, wala kami rito
Hindi ito ang huli, maestra
Babalik at babalik ang bawat batang minahal at tinuruan mo para ipaalam sa iyo na nagbunga na ang 'yong dugo't pawis at luha

***
Hi Ma'am Escuadro!😙

Tears Per Lines [Poetries]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon