Guro

22 0 0
                                    

Title: "Guro"
Written by: QueenSandok / Via Aiv
Date posted: October 05, 2018 , 10:05 am

Itong tulang ito ay para sa aking guro
Araw kasi niya ngayon kaya ito ang alay ko
Itong tulang ito para sa taong hindi sumuko
Na ka.hit ilang beses nang pwedeng umalis
Ngunit nanatili pa rin at nagtuturo
Itong tulang ito ay para sa aming guro
Na nahahanda sa amin para sa tunay na mundo

Maam, patawad
Patawad kung paulit-ulit kaming humihingi ng tawad
Pero ang mga pangako'y di natutupad
Patawad kung lagi kang dismayado
Dismayado sa klase, pati sa grado
Patawad kung iba kami sa kanila
Na imbis na higitan, ay kami yung malala
Patawad nga rin po pala
Sa aming mga ginawa bago ang surpresa

Nga pala maam, salamat
Dahil sa hagdan ng tagumpay, tinulungan mo kaming makaakyat
Salamat sa suporta, aral, karunungan at pagtatyaga
Na kahit kailan ay hindi matutumbasan ng pera
Salamat sa araw-araw na sakripisyo
Na sana nasa bahay ka ngunit nandito ka para magturo
Salamat sa ginawa at gagawin mo pa
Isa ka sa mga taong bumuo ng aming pangarap

Binabati ka namin sa panibagong taon mo bilang guro
Na sa dinami-rami ng propesyon ang ninais mo ay magturo
Maraming malalaking kumpanya ang nagkalat sa Maynila
Ngunit hindi ka nagsawa sa pagpasok sa eskwela—
Isipin mo nga naman, ilan nag-aral at sabi mo pa noon ay ayoko na rito sa paaralan
Ngunit tignan mo nga naman ngayon, narito ka pa rin at nagbabahagi ng mga natutunan
Nakakabilib, nakakatuwa at nakakadismaya
Nakakabilib dahil hindi ko lubos maisip kung papaano mo nababalanse ang pagiging anak, kapamilya, kaibigan, asawa at tapos guro ka pa?
Na kung iisipin, hindi lang sampu ang laman ng silid aralan
At hindi lang isang silid ang kailangan mong pasukan
Nakakatuwa dahil sa simpleng propesyon na mababa ang sweldo
Naging propesyonal at mayayaman ang dating nangangarap sa silid habang nakaupo
At kung iisipin, walang ibang propesyon ang tutumbas sa pagiging guro
At yun nga lang, nakakadismaya
Kung pa ang nagtatyaga, sila ang mukhang dehado pa
At kung sino pa ang may malaking ambag, sila pa ang nagiging anino nalang
Kaya ako, kami, bilang mga estudyante mo
Saludo kami sayo at sa buong kaguruan sa mundo
Kung wala kayo, walang uunlad at matututo
Maligayang araw ng mga guro!

---
Yeah I know whahahaha imysm!

Tears Per Lines [Poetries]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon