Tayo Sana
By: QueenSandok/Via Aiv
Date posted: July 28, 2018, 11:09 am
Hindi ko na maalala pa ang simula
Pero tanda ko pa kung papaano ka unang lumapit at tumingin sa aking mga mata
Tingin na paulit-ulit mong ginagawa
Na tila pinapaalam sa akin kung gaano kaganda ang aking mga mata
Lalapit, tatabi saka ako kakausapin
Hagikhikan, tawanan hanggang sa gabihin
Malalim, malawak tulad ng aking damdamin
Mainitan, lamigin ngunit hindi lilisanin ang ating kinauupuan sapagkat ito ay sa atin
Na sa paglipas ng araw at gabi
Panibagong pagdalaw, panibagong pag-uwi
At araw-araw ay laging nagmamadali sa pagkikitang muli
Isang oras ang lumipas, lumagpas sa itinakdang oras
Wala ka pa sa tagpuan kaya't nilipad ako ng isipan
Ngunit hindi katagalan, agad kitang namataan
Kabog ng dibdib ay hindi maiwasan
Lawak ng ngiti na hindi ko mabawasan
Nginig ng paa na nais kang salubungin
Nanlilikot na kamay na nais kang yakapin
Tila tumigil ang oras ng makita ko ang iyong pamilyar na ngiti
Maaliwalas ang mukha na may malawak na ngiti
Pakiramdam ko'y pareho naman tayo ng nais sabihin
Baka nahihirapan nga lang umamin
Naalala ko tuloy ang ilang mga senyales mula sayo
Nang minsan kitang nakitang tulala sa aking mukha
Noo'y napasobra ang iyong tawa kaya't akbay ka sa akin bigla
Mga simpleng gawi mong hindi normal
At wala namang akong magawa dahil hindi ako makaangal
Hindi ko mapigilan pati na ang paglapit mo sa akin ngayong oras na ito
Saka inilabas ang rosas sabay hawak sa mga kamay ko
Hindi na ako nakapagpigil sa pagtatanong kung mahal mo nga ba ako
Agad kang tumango sabay sagot ng oo
Pero dinugtungan mo ito
"Kasi syempre bestfriend kita. Saka nga pala, yung rosas pakiabot nalang sa seatmate mo sa Science."
Para akong dumausdos pababa
Tipong nandoon na ako sa taas nang tanggalin mo ang tinutungtungan kong pag-asa
Saka ako lumagapak sa katotohanang wala naman pala
Ginulo mo ang buhok ko saka nagpaalam
Tulad ng paggulo ng isip ko sa masakit na katotohanan
Tayo sana
Kaso hindi pala
BINABASA MO ANG
Tears Per Lines [Poetries]
Poetry"Ako'y may sasahin Ayaw kong diretsohin Nais kong iparating sa iyo Sa pamamagitan ng mga tula ko..." A collection of poetries: Unspoken poetries, poems about friends, love and family, poems about some great Wattpad stories and local movies, free ver...
![Tears Per Lines [Poetries]](https://img.wattpad.com/cover/120690673-64-k705763.jpg)