Simple
Written by: QueenSandok / Via Aiv
Date posted: October 2, 2017 , 7:29 pmNamulat akong nangangarap
Nag-nanais ng pangmatagalang sarap
Iyong tipong pinapangarap ng lahat
Kahit wala na ang mga pamatay na banatHindi ako nagmamadali
Hindi rin ako namimili
Pero sa hinaba ng paghihintay ko
Tila paubos na ang mga hinahanap koSimple lang ang nais ko
Gusto ko ay tulad ng aso
'Yong kahit wala akong pagkain
Lakas loob akong hahabulinSimple lang ang nais ko
Gusto ko ng tao
'Yong kaya akong irespeto
Sa kabila ng kung ano akoSimple lang ang aking pangarap
Gusto ko ng taong mahirap
'Yong taong desidido makuha ang gusto
Papatunayan lahat sa harap koSimple lang ang aking hiling
Gusto ko ng bading
'Yong nakukuhang maglambing
Hindi magsasawang ako ang kapilingSa sobrang simple ng mga gusto ko
Nauubos na sila sa mundo
Akala siguro ng lahat rito
Sobrang pabebe koTama naman sila talaga
Napakapabebe ko nga
Hindi ako kagandahan
Pero kung umasta'y reyna reynahanPero anong magagawa?
Simple lang rin ang sagot ko sa kanila
Sinusubok ko ang mundo
Makahanap lang ng totooHindi ako nadadaan sa mukha
Hindi ako nadadaan sa pera
Simple lang ang nais kong makuha
Siya na walang sabit na ibaHindi basehan ang kagandahan
Nababago ito katagalan
Kung hindi napipili ang mamagulangin
Hindi rin mapipili ang mamahalinNgayon na tapos na ako
Bukas ang aking pinto
Pumasok ka ngunit huwag malikot
Baka kasi magdulot ka ng kirot

BINABASA MO ANG
Tears Per Lines [Poetries]
Poetry"Ako'y may sasahin Ayaw kong diretsohin Nais kong iparating sa iyo Sa pamamagitan ng mga tula ko..." A collection of poetries: Unspoken poetries, poems about friends, love and family, poems about some great Wattpad stories and local movies, free ver...