Paano Nga Kaya?

117 2 5
                                    

"Paano Nga Kaya?"
Words by: QueenSandok WP/ Via Aiv
Date posted: August 16, 2017, 10:02 pm

Tanda mo ba noong una?
Noong unang lukot ang aking mukha
Mga panahong ayaw ko sa 'yo
'Yong oras na ipinangako kong hindi ako magmamahal ng tulad mo.

Ayaw ko sa 'yo
Ayaw ko sa tulad mo
Ngunit ang puso ko na mismo
Ito na mismo ang tumibok sa ayaw at sa gusto ko

Bakit ka narito?
Bakit iba na ang dating mo?
Iyon na, nangyari na
Sumabay ka sa ritmo kong malaya

Paunti unti, lagi-lagi
Walang humpay, naghihintay
Hindi buo ang araw ko
Hangga't hindi ko nababasa ang sulat mo

Tuluyan na ngang sumuko
Natuluyan na ang puso
Tibok nito'y isa lang ang sabi
Nais ko lang mapasa 'yong tabi... lagi

Pigil... Pinipigil ko
Ayaw... Ayaw ko
Hindi maaari
Takot ako sa mangyayari

Huli na't hindi ko na kaya
Nataon pang kay lamig na
Wala na ang ating gawi
Wala na ang aking ngiti

Ngayo'y matagal tagal na
Narito pa rin ako, minamasdan ka
Nananahimik sa bintana, inaantay ka
Sa gabi'y nakatulala, iniisip ka

Umamin ako noon sa 'yo
Umaasa ako sa inaasahan ko
Inaasahan kong mahal mo rin ako
Inaasahan kong iyon ang sasabihin mo

Hindi iyon ang sinabi mo
Kundi ang mga motibo
Motibong inasahan ko
Na hanggang ngayon sinasakyan ko

Hanggang ngayon umaasa ako
Kahit malayo ka na
Kahit hanggang dito nalang ako
Kahit walang kasiguraduhan kung totoo

Gusto ko nang sumuko
Gusto ko nang iiyak lahat ng ito
Gusto ko nang matapos ang kaba
Gusto ko nang iwanan ang nadarama

Magtatapos ka na
Ako nama'y ilang taon pa
Lalayo ka na't tutungo sa iba
Samantalang ako'y matitira

Nagbigay ako ng liham noon pa
Alam kong hindi mo binasa
Ngayon nais kong magbigay muli
Huling liham para sa hindi ko pag-aari

Nasa gilid lang ako, nakaupo
Dumalo sa pagtatapos ng hindi ko kaano ano
Ibibigay ko lang ito
Matapos ay aalis na ako

Tinawag ang pangalan mo, lumakad ka
Nasa ibaba ako ng establado, hinihintay ka
Kasama ng diploma, bumaba ka ng masaya
Gusto ko ring kasama ang liham ko sa iyong saya

Tulad ng sabi mo noon pa
Baka hindi pa tayo para sa isa't isa
Aral muna, aral muna
Hintaying magdesisyon ang tadhana

Walang kasiguraduhan ito
Ilang taon pa ang lilipas bago ka magsalita
Maaaring magbago
Maaaring iba ang mahalin mo

Iniabot ko agad ang sulat ko
Nakatalikod, nakayuko
Pinigil ang luha hangga't kaya ko
Hanggang sa abutin mo

Kasabay nito ay ang pagbalot sa akin ng mga bisig mo
Ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko
"Para saan 'to?" Tanong mo
Hindi ako kumibo't pilit lumayo

"Basta basahin mo." Tipid kong sabi
Habang pinigil ang mga hikbi
Tinignan mo ang sulat ko
Tumulo ang luha mo

"Ilang taon nalang sana." Sabi mo't lumuha
Nagpumiglas ako't tumakbo
Ayaw ko nito, aasa na naman ako

Tinawag mo ako, lumingon ako
Hindi ko alam kung bakit tumigil ako
Hinubad mo ang toga't binato ang diploma
Tuloy ang pagtakbo habang may luha

Nanghihina ako
Sinalubong mo't niyakap ako
"Aalis ka kung kailan ako naghahanda."
Malabo. Hindi ko alam ang sinasabi mo.
Ngunit tila naiintindihan ng puso ko

"Mahal kita." Bulong mo.
Nabibingi ako.
Ngunit ang sarap ulitin ng sinabi mo.
Ang sarap pakinggan ng pinakahihintay ko.

Nagising ako sa katotohanang nasa ibaba na ako ng entablado
Hinihintay kang bumaba at ibibigay na ang liham na 'to
Nawili yata ako sa mga inaasahan at pangarap ko
Tumakbo ako nang walang dahilan nang bumaba ka... Ayoko

***
Joyceeng_Yeppeoda babe, ayan na ang hinahanap mo😅

Tears Per Lines [Poetries]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon