Kakaalis Niya Lang
Written by: QueenSandok / Via Aiv
Date posted: November 6, 2017 , 3:12 am
Umuulan noong siya'y nag-abang
Sarado ang pinto, basa ang hagdan
Naupo sa damuhan, 'di mo pinayungan
Siya'y luhaan nang iyong tinalikuran
Hinabol ka niya sa ulanan
Pinilit mo siyang ipagtabuyan
Marahas mong sinigawan
Itinulak siya sa putikan
Ayaw mo siyang balikan
Takot kang panindigan
Itinapon mo ang nakaraan
Sinunog mo sa basurahan
Hindi niya iyon makalimutan
Nais ka niyang pagpaliwanagan
Nais ka niyang pakinggan
Ngunit lagi mo siyang tinatalikuran
Mula sa malawak na putikan
Tumigil na ang pag-ulan
Bigla siyang natauhan
Tumigil sa katangahan
Bumangon dahan-dahan
Umuwi sa dating tahanan
Hinubad ang saplot sa katawan
Binihisan ang sarili ng kaligayahan
Bumalik sa lugar na pinaglugmukan
Bitbit ang bagong mukha ng kasiyahan
Wala na ang iyong pangalan sa likuran
Inapakan na ng stelletto ang kamartyran
Lumakad ng marahan
Wala na siya sa likuran
Lumingon ka kaliwa't kanan
Kakaalis niya lang
BINABASA MO ANG
Tears Per Lines [Poetries]
Poetry"Ako'y may sasahin Ayaw kong diretsohin Nais kong iparating sa iyo Sa pamamagitan ng mga tula ko..." A collection of poetries: Unspoken poetries, poems about friends, love and family, poems about some great Wattpad stories and local movies, free ver...
![Tears Per Lines [Poetries]](https://img.wattpad.com/cover/120690673-64-k705763.jpg)