Salamat

51 1 0
                                    

"Salamat"
Written by: QueenSandok
Date posted: April 05, 2018

Itong susunod naman ay para sa lahat
Isang paalam, patawad at salamat
At hindi ko na naman alam kung paano masasabi ang lahat ng 'yon sa bawat isa sa inyo nang sabay sabay.
At isa pa, mahirap ding magpaalam dahil ayaw kong mawalay, mahirap humingi ng tawad at magpatawad sa malabong kaaway at magpasalamat kahit wala naman akong natanggap na inyong binigay.
Malabo hindi ba?

Ngayon, naniniwala ako na ang simula ay ang pinakamahirap, pinakamasakit na dapat sana'y inilalagay sa dulo... tulad ng paalam
Paalam dahil hudyat na
Hudyat na dahil marahil ay ito na ang huling beses bago ang isang dekada na tayo ay magkakasama.

Ito na ang huling beses sa kasalukuyan
Dahil una sa lahat ay wala naman tayong kasiguraduhan kung sa paglabas natin ng paaralan ito... ano na tayo?

Na kung tutuusin ay nasa iisang lungsod lang naman tayo pero kung iisipin paano ang distansya? Paano ang prayoridad? Paano ang komunikasyon? Paano?

At isa pa kaya ko gustong magpaalam dahil wala akong kaalam alam--- wala tayong kaalam alam sa mga mangyayari pa.

At sa palagay ko ay mas maganda nang tapusin nang may ngiti ang isang pagsasama kaysa maghiwalay at maghintay ng walang maliw na pag-asa.

Marami nang tumatakbo sa inyong isipan. Kaya't pangungunahan ko na. Kaibigan, paalam. At sana tandaan niyo na ang paalam ay hindi ang dulo ng samahan. Ang paalam ay isa lamang pinto na maaaring buksan kailanman.

Paalam.

Sunod, patawad.

Ilan sa inyo rito ay maaaring may samaan ng loob, may iringan, may ilangan, may distansya sa pagitan.
Dalawang taon na tayong magkakasama kaya't batid kong maraming kwento ang nagtatago sa maluwag na distansya.
Distansya na sana ay isang buo laban sa karamihan.
Isang isla sa gitna ng dagat ngunit bakit tila naging pulo-pulo na?
At kahit hindi ko idaan sa Siyensya at maaaring bigyan ko ng linaw ang aking napupuna.

Gusto kong magpatawad at humingi ng tawad na hindi para sa akin kundi para sa lahat.

Ang lahat ng 'to nagsimula sa iisang buo ngunit kahit bilog ang mundo ay roon tayong silangan at kanluran. Tama at mali. At oo at hindi. Hinuha ko lang na siguro doon at sa mga naging desisyon kaya't nahahati ang isang buo noon.

Isa pa...
May mga bagay kasi tayong gusto ng isa, ayaw ng iba.

May mga pagkakataong namamanhid ang iba at nabubulag ng gusto at saya.

May mga oras na nagiging galit ang inggit.

At may mga sandaling naghahari ang inis.

Aminin man o hindi pero ilan lang yan sa mga dahilan kung bakit gusto kong magpatawad at humingi ng tawad, para sa akin at sa lahat.

May nalalabi pa kayong oras para magnilay tungkol dito ngunit bilang ang aking oras rito upang tumayo at tapusin ito.

Tulad nga ng sabi ko kanina. Mas sanay na ang mga tao sa bandang huli ay paalam. Ngunit ayokong ihuli iyon sapagkat hindi pa naman tayo magsisipasok sa kabaong.

Panghuli, salamat.

Isang malaking salamat!

Salamat sa dalawang taong samahan mula pa noong grade 9 at sa mga baguhan ay isang taong samahan mula noong pasukan.

Salamat sa hindi ko na mabilang pang mga alalaala sa loob ng apat na sulok na silid na 'to

Salamat sa saya na dulot niyo

Salamat sa mahabang pasensya tuwing umaga at hanggang sa mag-uwian na

Salamat dahil hindi tayo bumitaw

Salamat sa mga achievements na nagawa natin

Salamat sa pagpapanatili ng magandang reputasyon ng section na ito

Salamat sa tulong

Salamat sa mga aral

Salamat sa pagiging parte ng buhay ng bawat isa

Salamat sa pananatili hanggang dito

Salamat sa lahat.

Topaz, kahit nakakaroon ng hindi magandang alaala 'tong batch natin, alam kong thankful pa rin kayo sa mga nangyari. Sana!

At sa pagkakataong ito, gusto kong iiwan natin ang silid na 'to na puno ng saya at bukas na kalooban.

Hanggang dito na lang. Salamat

***
Goodbye and thank you, 10-Topaz!😙

Tears Per Lines [Poetries]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon