Malungkot Ka
Written by: QueenSandok / Via Aiv
Date posted: September 28, 2017, 12:00 pmMalungkot ka
Nangungulila ka
Naghahanap ka ng wala
Nag-nanais ng imposible pa
Malungkot ka
Hindi mo man sabihin pero nakikita ko sa 'yong mga mata
Malungkot ka
Kahit ang sipag mong ngumiti
Kahit puro ka tawa
Malungkot ka
Wag mong pagtakpan kahit sabihin mong meron ka namang mga kaibigan
Dahil malungkot ka
Wala kang mapagkatiwalaan
Wala kang maiyakan
Wala kang mapagsabihan
Dahil nasanay ang lahat sa kasiyahan
Kasiyahan na matagal ka nang tinakasan
Kasiyahan na gusto mong muling maramdaman
Dahil lungkot na lungkot ka na
Ayaw mong sabihin sa iba dahil baka tumawa sila
Baka gawing biro nila
Baka malito sila
Baka hindi ka nila lubusang maintindihan at aakbayan ka lang nila par sabihing may kasama ka
Kaya hahanap ka sa social media
Paano maging masaya?
Paano sumaya?
Wala kang ibang makita kundi tungkol sa pera
Kailangan mo ng pera
Kailangan mong magkapera
Kasi masaya kumain ng nagustuhan mo
Kasi masaya bumili ng mga gusto mo
Kasi masaya gumala nang gumala
Kasi masaya magwaldas ng pera
Gusto mong sumaya
Kahit panandalian
Kahit saglitan lang
Basta kailangan mong maging masaya dahil lalamunin ka ng kalungkutan sa katahimikan
Kailangan sa lahat ng oras masaya para hindi ka balikan ng nakaraang puro kalungkutan, kabiguan at pangugulila
Kaya hahanap ka ng taong iyong makakasama
Kahit hindi mo sigurado kung mahal mo talaga
Basta't nakikita mong may tyaga
Basta't suportado kahit saan ka
Basta't nandyan kung nasaan ka
Doon ka sa kanya
Pupunta sa lugar kasama siya
Gagawa ng mga bagay kasama siya
Dahil ayaw mong mag-isa
Gusto mong maging masaya
Kailangan mo ng kasama
Kailangan mo ng saya
Kailangan mo siya
Kahit nakakapaggago sa sarili mo na sa gabi
Sa gabi na wala na siya sa 'yong tabi
Halos magmakaawa ka sa iba na kausapin ka
Lahat nalang pinapansin mo makausap ka lang
Lahat nalang tinatawanan mo kahit hindi nakakatawa
Lahat nalang ng nababasa't nakikita mo akala mo tama
Hindi ka matutulog hangga't walang nagigising
O minsan hindi ka talaga matutulog dahil baka ka mabangungot
Na baka sa pagpikit mo balikan ka na naman ng lungkot
Lagi kang takot
Takot na takot
Kaya kinabukasan lahat ng 'yong nalaman ay 'yong susubukan
Maglalaslas ka baka sakaling lahat ng sakit sa 'yong puso ay malilipat sa sakit na malapit sa 'yong pulso
Kahit delikado, walang ano sa 'yo
Kung mamatay ka man, wala kang pakialam
Kung maospital, ipagpasalamat nalang
Kung sugat lang, ibang paraan naman dahil sa paggaling ng mga sugat mo ay hindi naman humilom ang puso mo
Nag-iwan lang ito ng marka ng pagkabaliw mo
Tinawan tawanan mo nalang silang mga naaawa sa 'yo
Dahil awa lang ang tangi nilang magagawa
Awa lang nang awa
Hindi ka nila matutulungan dahil wala sila sa 'yong kinatatayuan
Tatango sila, kukurba sa mga labi nila ang kalungkutan dahil naaawa nga sila
Awang awa sila sa 'yo at ayaw mong magkwento
Dahil baka iisipin nilang ang babaw mo
Pero ang 'yong kinwento ay wala pa sa kalahati ng totoo at kabuuan ng iyong kwento.
Kaya tulad ng nakasanayan mo
Lalayo ka sa kanila saka sasama sa kasintahan mong sinagot mo dahil sabi ng puso mong lungkot na lungkot na
Sa kanya ka iiyak pero pipigilan mo dahil baka iwan ka niya.
Uuwi ka nalang ng bahay saka doon magkukulong
Isasara ang kwarto at iisipin ang mga kamalasan mo
Bakit ka pa binuhay rito sa mundo?
Ano pa bang hirap ang ipaparanas sa 'yo?
Naiisip mong maglaslas muli
Naiisip mong magpakamatay
Naiisip mong sayangin ang buhay
Pero takot kang mamatay
Kaya itutulog mo ang lahat
Kahit hanggang panaginip mo'y malungkot
Makapagpahinga ka lang
Kahit saglit lang---
Hey guys! Via here. Natutuwa ako dahil mabilis dumarami ang readers nito. Although hundreds pa lang pero kailan ko lang 'to nilabas eh. Nakakatuwa. At dahil maraming mambabasa, hindi ko ipinagdadamot ang aking mga akda. Please, iinform niyo lang ako. Add credits na rin. At kung may mali akong nagawa or nasulat, kindly pm me or comment nalang. Salamat! ❤
BINABASA MO ANG
Tears Per Lines [Poetries]
Poetry"Ako'y may sasahin Ayaw kong diretsohin Nais kong iparating sa iyo Sa pamamagitan ng mga tula ko..." A collection of poetries: Unspoken poetries, poems about friends, love and family, poems about some great Wattpad stories and local movies, free ver...