Title:"Bakit at Paano"
Written by: QueenSandok / Via Aiv
Date posted: October 17, 2018 , 5:46 am
Sa paligid ng mga pares ng mata
Sa gitna ng mga pares ng tainga
Magsasalita ang isang makata
Na sasalamin sa mga sakit
Pasakit, bigat at hirap
Na dinaramdam at ayaw nang maramdaman
Ngunit pilit kumakawala sa pamamagitan ng luha
Ngayon nais kong gumamit ng mga salita
Sa pagkakataong ito, ayokong itanong sayo kung naaalala mo pa ba
Ayaw kitang tawaging mahal o sinta
Ayaw kong manumbat sayo ng pagkukulang
Ayaw kong ipaalala sayo ang nakaraan
Ayokong pagsisihin ka
At ayokong makitang luluha ka
Ayokong marinig mo ang mga narinig mo na sa tula ng iba
Ayokong maramdaman mo ang naramdaman mo na noon pa
At alam mo ba kung ano ang gusto ko?
Ang itanong kung bakit at paano.
Mahal kita eh. Mahal mo ako diba?
Ayaw kitang mawala, ganun ka rin diba?
Tinanong mo sa akin kung anong pangarap ko
At ang sagot ko ay wala na kasi nandito ka na tabi ko
Tinanong mo ako tungkol sa mga plano ko
Nagtugma yung mga plano natin kaya tuwang tuwa ako
Kilala ka na nga ng pamilya ko
Suporta rin sayo ang mga kaibigan ko
Nandito na tayo, kaunting hakbang nalang sa simbahan na ang tungo
Pero bakit ganito?
Pakiramdam ko nasa dulo na tayo
Imbes na diretso, nagbiglang liko
Sobrang labo, malabo
Ni walang tumutugma sa mga sinasabi ng tao
Walang iba at walang naganap na eksena katulad sa mga pelikula
Kasi nga mahal mo ako at mahal kita, diba?
Kasi ikaw na yung para sa akin kaya hindi na ako hahanap ng iba
Kasi nakikita ko na yung sarili kong kasama mong tatanda
Kasi mahal mo ako at mahal kita diba?
Pero patawad kung biglang ayoko na
Kung sinabi ko sayong tama na
Kasi hindi na talaga
Pakiramdam ko, mali na
Mali nang manatili pa kung wala na akong maramdaman
Kung isang araw pagdilat ko, wala na akong pakialam
Kung isang araw na nakasama kita, parang wala akong maramdaman
Tuwing binibigkas mo ang 'mahal kita' napapaisip ako kung mahal pa rin nga ba kita?
Tuwing kukunin mo ang mga kamay ko, hindi ko alam kung kakapit ako o bibitawan kita
At sa tuwing iniisip kong baka hindi na nga, binabagabag ako ng isipan ko dahil nangako ako
Sa tuwing iniisip kong sasabihin ko ito sayo, natatakot ako
Na baka isipin mong ipinagpalit kita o baka pinaglalaruan lang kita
Pero ang totoo ilang beses kong pinagpilitan sa isip at puso ko na mahal kita pero parang hindi na rumerehistro
Hindi ka na tinatanggap ng sistema ko
Kung nong una ay dyamante ka sa paningin ko
Pero ngayon isa ka nalang ordinaryong bato
Patawad, pakiramdam ko mali ko
Pero hindi kita maipaglaban
Dahil wala na akong maramdaman
Kung mahirap ang magmahal mag-isa sa isang relasyon, mahirap din ang manatili at pilitin ang ang sarili na mahal pa rin kita kahit hindi na talaga
Kung mahirap ang hiwalayan, mahirap at masakit ding paulit-ulitin sa aking isipan kung dapat ba at hanggang dito nalang ba talaga
Kung mahirap ang makalimot, isipin mo akong araw araw na tinatanong ang sarili kung ano na ba ang nangyayari
Kung mahirap ang lumaban mag-isa, mahirap din ang tumayo sa gyera kahit hindi ko na kaya
Kung mahirap tanggapin pagsuko ko, mahirap din aminin sa sarili na hindi na ako masaya sayo
Pareho na tayong nahihirapan, bakit hindi nalang nating bitawan?
Pero sa huling pagkakataon, gusto kong samahan mo ako
Itanong natin sa mundo kung bakit at paano
Kung bakit sa dinami-rami ng pwedeng mawala ay ang nararamdaman ko pa sayo
At kung paano nangyari ang lahat ng ito sa kabila ng payak na mayroon tayo
Dahil mahal mo ako, at mahal kita, diba?
BINABASA MO ANG
Tears Per Lines [Poetries]
Poetry"Ako'y may sasahin Ayaw kong diretsohin Nais kong iparating sa iyo Sa pamamagitan ng mga tula ko..." A collection of poetries: Unspoken poetries, poems about friends, love and family, poems about some great Wattpad stories and local movies, free ver...
![Tears Per Lines [Poetries]](https://img.wattpad.com/cover/120690673-64-k705763.jpg)