Wala
Written by: QueenSandok / Via Aiv
Date posted: September 1, 2017, 1:37 amKunyari walang tayo
Kunyari ayaw ko sa 'yo
Kunyari naiinis ako
Kunyari naaasar akoDapat laging magkalayo
Dapat laging iba ang titig mo
Dapat hindi ka sa tabi ko
Dapat hindi ako kililigin sa 'yoKasi bawal talaga
Kasi Ilegal nga sabi ng iba
Kasi may masasabi lang sila
Kasi magagalit silaSino kasi tayo?
Sino ba ako sa 'yo?
Sino ka ba para sa tulad ko?
Sino sa ba ang may mali dito?Maghintay ka ng sasabihin nila
Mag-abang ka ng kay tutulis na titig nila
Makichismis ka ng mga bulungan nila
Magpakamanhid ka't hayaan silaGanyan ang tao
Ganyan dito
Ganyan ang mga tao
Ganyan sila sa likod ko
BINABASA MO ANG
Tears Per Lines [Poetries]
Poesía"Ako'y may sasahin Ayaw kong diretsohin Nais kong iparating sa iyo Sa pamamagitan ng mga tula ko..." A collection of poetries: Unspoken poetries, poems about friends, love and family, poems about some great Wattpad stories and local movies, free ver...