Aasa Na Naman
Words by: Via Aiv / QueenSandok
Date posted: August 23, 2017, 12:29 amKakakita ko lang
Mismong kanina lang
Bakit?
Anong meron?
Paano?
Ako na 'yon?
Ako ba?
O baka iba?
Pero hindi masamang umasa
Umasa lang kahit masakit na
Sagutin mo ako
Iba o ako?
'Wag mo rin akong paasahin
Tulad ng sabi mo
Ayaw ko na rin kasi
Takot ko lang magsabi
Ano?
Ako ba?
O siya talaga?
Dahil umaasa ako
Sa nakaraan
Sa binanggit mong nakaraan
Wala kayong ganoon
Pero meron tayong ganoon
Nanghihinayang ka ba?
Gusto mo bang maulit pa?
Sabihin mo lang
Linawin mo
Kasi baka iba
Kasi baka hindi ako
Kasi aasa na naman ako
Tapos masasaktan na naman
Tapos iiyak
Tapos aasa na naman
Na tila batang sanay nang madapa
Sanay nang masaktan
Kasi makakabangon at makakabangon sila
Eh ako?
Makakabangon pa ba?
Kung sa kada dapa ay lalong lumalalim ang dama?
Kaya pa kaya?
Tulad ngayon
Panibagong matibo
Ito na naman
Sasakyan ko na naman
Lagi nalang
Aasa na naman---
Mesheket.
BINABASA MO ANG
Tears Per Lines [Poetries]
Poezie"Ako'y may sasahin Ayaw kong diretsohin Nais kong iparating sa iyo Sa pamamagitan ng mga tula ko..." A collection of poetries: Unspoken poetries, poems about friends, love and family, poems about some great Wattpad stories and local movies, free ver...