Babae Ka

87 1 0
                                    

Babae Ka
Words by: Via Aiv / QueenSandok
Date posted: August 25, 2017, 2:21 pm

Babae ka
Dumistansya ka
Babae ka
Lumayo ka

Hindi dahilan ang kaibigan
Para bigyan ka mo siya ng karapatan
Hindi pagiging open ang dahilan
Para lang siya'y hayaan

Kaibigan kita
Ayaw naming hayaan ka
Gusto naming maisatama ka
Ikaw, kayong dalawa

Iba ang mahal niya
Pero katabi mo siya
Iba rin ang mahal mo
Ngunit bakit siya ang kasama mo?

Nagkakalokohan na tayo
Hindi namin masabi sa 'yo
Pero 'wag sa ganito
Linawin niyo

Huwag kang lalapit
Alam mong may mangyayaring kay lupit
Huwag kang didikit
Ang mga mata nila'y nanlilisik

Hindi kayo
Walang karapatan siya sa 'yo
Wala kaming alam sa inyo
Pero iniisip lang namin ang ikabubuti mo

Kung gusto ka niya
Sana bitawan niya muna ang nauna
Hindi pwedeng sabay
Alam mong kahihinatnan nito'y away

'Wag mo siyang bigyan ng pag-asa kung wala talaga
'Wag mo siyang hayaang gustuhin ka habang may mahal siyang iba
'Wag mo siyang pakitaan ng pagtanggap sa puso mo
Dahil kung wala talaga'y ipakita mo ang totoo

Alam kong takot kang magsalita
Alam mong may magagalit hindi lang isa
Alam mo ang tama
Sana'y 'yon ang iyong ginawa

Hindi kami galit na ikakaila ka namin
Galit kami dahil mahal ka namin
Ayaw namin mg gulo
Gusto namin mabuksan ang isip niyo

Ngayong ang isa'y naguguluhan
Gayon din siyang hindi natin maintindihan
Huwag mo nang dagdagan
Ngayon alam ko ang tamang paraan.

Tears Per Lines [Poetries]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon