Hindi Ako 'Yon

150 1 0
                                        

Hindi Ako 'Yon
Words by: Via Aiv / QueenSandok
Date posted: August 23, 2017, 6:32 pm

Hindi ako 'yon
Asyumera lang ako ng taon
Iniisip kong ako ang nag-iisa
Ngunit mayroon pa pala

Hindi ako 'yon
Malabong ako 'yon
Hindi ako kagandahan kaya't papaano ka maiinlab?
Kilala kita at alam kong mukha ang una mong hanap

Hindi ako 'yon
Sapagkat wala akong ibang minahal
Kahit ilang beses na akong nasaktan
Puso ko'y sa 'yo pa rin ilalaan

Hindi ako 'yon
Dahil hindi ako nagsasalita hangga't hindi kakausapin
Kaya papaano ka kakaligin?
Kung pareho tayong mahiyain?

Hindi ako 'yon
Dahil sa unang pagkikita
Hindi ako ang 'yong katabi
Nasa likod ka't natatabunan ng marami

Hindi ako 'yon
Hindi ako ang bituin
Hindi ako mahirap abutin
Dahil ikaw 'tong malayo ang tingin

Hindi ako 'yon
Dahil hindi lang tayo ang may nakaraan
Nakaraang ako lang ang may alam
Dahil mayroon din kayo na inaalala mo

Hindi ako 'yon
Utang na loob puso ko, hindi tayo 'yon!
Tumigil ka na sa pagtibok para roon
Tama nang nasaktan tayo noon

Hindi ako 'yon
Tama na't ayaw ko nang umasa pa
Ayaw ko na kaya tigil na
Hindi ako 'yon

---

Tears Per Lines [Poetries]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon