Ginusto kita
Words by: Via Aiv / QueenSandok
Date posted: August 1, 2017, 12:42 pmOo, ginusto kita at lahat naman ay nagsisimula sa 'Gusto kita'
Gusto kita dahil mabait ka
Gusto kita kasi gwapo ka
Gusto kita kasi gusto kita
Gusto kita at hanggang doon lang sana
Hanggang doon lang sana.
Akala ko nama'y may alam ka
Hinayaan kitang ako'y pakiligin
Ako'y paikutin
Kahit nakakatanga dahil minsan wala lang ako sa paningin mo
Kahit nakakatabi mo, kahit na kaharap mo
Napapaisip ako.
Hangin ba ako?
Hangin ba na minsan mararamdaman mo lang kung nanlalamig ang relasyon niyo?
Hangin ba na minsan mong maramdaman kapag nag-iinit ka na?
Hangin ba na kailangan mo lang kapag punong puno ka na?
Oo, hangin nga akong laging nandyan pero ni minsa'y di mo pinahalagahan
Matapos ng mahahabang usapang aking pinagtagpi tagpi para lang masabing mahaba
Matapos ng ilang pagkikitang panay at iyong pag-iwas
Matapos ng mga araw na tatabihan mo ako, kakausapin, lalandiin na akala ko nama'y buhat ng nararamdaman mo
Nawala ka
Nawala na parang bula
Bula na sa tuwing dadating ang hangin at mawawala
Nawala ka kung kailan malala na
Kung kailan malinaw na sa isip kong iba na ang tibok ng puso ko
Hindi na kita mahagilap
Kung makikita ka ma'y malayuan
Pero ang nakakaloko ay niloloko ko na ang sarili ko.
Kinukunsinte ang katangahan
Pinapairal ang nararamdaman
Kahit nauuwing luhaan
Ni minsan pala'y di mo ako pinahalagahan
At ang lahat ng iyon ay palabas lang
Pampalipas oras
Mema lang
Ganoon lang pala kasimple lahat
Pinakumplikado ko pa
Pinalalim ko pa
Inisipan ko pa ng kung ano anong ideya na isang baliw na tulad ko lang ang makakaintindi
Pinalalim ko pa nang pinalalim kaya't di ko na alam kung paano aahon rito
Pinakilig mo lang ako
Binigyan ng motibo sabay iiwan akong lito
Ganon ka kagaling
Ang galing mong umaktong mahal mo ako hindi naman pala
Ngayon hindi ako makaahon at sinusubukang umahon mula sa masasayang alaalang nabaon kasama mo sa mahabang panahon
Wala ka na
Wala ka nang pakealam
Tapos na ang iyong misyong ako'y saktan
Tapos na ang kaligayahan mong ako ang katuwaan
Malaya ka tulad noon habang ako'y nakakulong sa motibong iyong binaon sa puso't isip ko hanggang ngayon

BINABASA MO ANG
Tears Per Lines [Poetries]
Poésie"Ako'y may sasahin Ayaw kong diretsohin Nais kong iparating sa iyo Sa pamamagitan ng mga tula ko..." A collection of poetries: Unspoken poetries, poems about friends, love and family, poems about some great Wattpad stories and local movies, free ver...