Kung Sakaling Aamin Man

86 0 0
                                        

Kung Sakaling Aamin Man
Written by: QueenSandok / Via Aiv
Date posted: September 10, 2017 , 12:48 pm

Ito, nais ko lang sabihin sa 'yo
Nais ko lang sagutin ang mga 'kung sakali't paano' ko
Itong sasabihin ko
Idadaan ko nalang sa tula para hindi halatado
Kaya sisimulan ko na nang matapos ng mas maaga sapagkat tanong lang naman ito, palagay ng sarili ko't hindi kailangan ng opinyon mo
Matapos nito'y maaaring tapos na
Maaari nang magpahinga

Paano umamin?
Paano sabihin ang nakabinbing damdamin?
Paano sasabihin?
Ano 'ng dapat hilingin?
Siguro dapat kong simulan sa buntong hininga
Baka kasi bigla akong lumuha
Pero bakit luluha eh 'kung sakali' nga lang
Sana alam ko 'yon mula noong una palang

Kaya sige, ito na
Pero 'wag kang titingin
Mahal, 'wag kang titingin!
Mahina ako at hindi ko kayang tumitig pabalik
Hindi ko kaya kaya't titingin nalang ako sa sahig
Ito na talaga

Kung sakaling aamin ako...
Aamin ka rin ba sa harap ko?
Na kapag sinabi kong mahal kita
Iyon rin ba ang isasagot mo kahit nahihiya ka?
Na kapag umamin ako na gusto kita
Sasabihin mo rin bang 'Gusto rin naman kita! Matagal na!'
Gano'n ba? Kasi nagdadalawang isip ako
Kasi baka mamaya bumaliktad ang mundo
Na kapag sinabi kong mahal kita
Ang sasabihin mo ay 'Sorry, hanap ka ng iba'
Na kapag umamin ako ng gusto kita
Sasabihin mo lang na 'Wala kang pag-asa'

Masakit.
Ayaw kong pangunahan ang panahon pero nahihinuha ko na ang maaari mong tugon
Ayaw kong makipagunahan sa luha pero hindi ka pa nagsasalita pakiramdam ko wala nang pag-asa
Ayaw kong umamin na gusto rin
Para naman makalabas na 'tong nararamdaman ko para alam mo– baka sakaling kaawaan mo ako
Baka sakaling maging tayo
Pero kung matalino ka at ayaw mo talaga
Ako na itong nasaktan na, nasasaktan pa at masasaktan pa kapag sinabi mong 'wala akong pag-asa'
Ako tong naghabol sa 'yo, pero ako rin ang hahagulgol nang dahil rin sa 'yo

Marami pa akong naiisip
Marami pa akong hula na baka tama o baka bokya
Kaya hanggang ngayon hindi ko alam kung aamin pa ako
Kasi kung sakaling aamin man, dalawa ang maaring kalalagyan ko
Aasa o luluha...

---
#WalangPasok hihi😍 Pero Math is layp bai! Math is layp! Yaw q nah😭

Tears Per Lines [Poetries]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon