Kawalan

28 0 0
                                    

Kawalan
Written by: QueenSandok
Date: November 26, 2017

Kaibigan, sandali lang
Nais ko lamang pakawalan
Itong mga hinanakit sa aking puso't isipan
Nais ko lamang patuluin ang mga luhang
Kay tagal ko na ring pinigilan
Kaibigan, saglit lang
Pagkat nais ko lang balikan
Ang hindi ko malimot nating nakaraan
Nakaraang tayo lang ang nagkakaintindihan
Nakaraang walang pinagtataguan
Nakaraang hindi ko na matandaan
Kung may oras pa bang hindi tayo nagkikibuan
Nakaraang walang distansyang namamagitan
Nakaraang masyado nang malayo sa kasalukuyan
Kaibigan, gusto kong ipaalala sa iyo
Kung gaano ko ipinagpasalamat sa Diyos na nagtagpo tayo
Nakasama kita sa kasiyahan ko
Sa tagumpay ko
Sa pinakamasakit na araw
Sa pinakamasakit kong dalaw
At sa araw-araw na hindi tayo nagbibitaw
Nagdadamayan sa mga dramang kay babaw
Nagsasanib ang galit
Walang inggit
Magkasamang humaharap sa pagsubok
Minsan pa'y iisa lang ang tali ng buhok
Kaibigan, sana naaalala mo ang lahat
Sana hindi mo nilimot ang lahat
Sana ramdam mo pa ako
Sana kilala mo pa ako at ang sarili mo
Kaya nandito ako
Kaibigan, patawad kung lumayo ako
Patawad kung nagkulang ako
Patawad kung nawala ako sa tabi mo noong mga panahong kinakailangan mo ako
Patawad kung hindi ko maintindihan ang punto mo
Patawad kung iba na ang nakasama ko
Patawad sa lahat ng sama ng loob mo
Sa akin, sa sarili mo
Sa pagkakataong ito, nasaktan natin ang isa't isa
Nakapagsabi tayo ng masasakit na salita
Patalikod man, harapan o sa isipan
Pero mahal kita sa kahit anong anggulo mo tignan
Malayo na ang ating pinagsamahan
Buwan o taon man pero hindi matutumbasan ng kahit ano man ang ligayang dinala mo sa buhay ko
Maaaring nagkaroon tayo ng galit
Maaaring may hindi nasasabi ang bibig
Pero nandito ako para ipaliwanag
Nandito ako para ka mapapayag
Magbalik tayo sa dati
Wag nating luwagan ang distansyang humahati
Mahal kita kaibigan
Kahit ilang beses kong sinasabing hindi ka kawalan
Lahat yon ay kasinungalingan ko noong pinipilit kong magtapang tapangan
Nong ipinagpipilitan ko sa sarili kong walang iyakan
Noong pinairal ko ang kayabangan
Pero hindi ko maitatago ang katotohanan
Na sa buhay ko, ang laki mong kawalan

---
Bruh...

Tears Per Lines [Poetries]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon