Atras Abante

67 0 0
                                    

Atras Abante
Written by: Via Aiv / QueenSandok
Date posted: September 17, 2017, 1:41 PM

Atras...
Iiwas na ako
Aayaw na ako
Kasi nasasaktan na
Kasi nahihirapan na
Kasi nakakapagod na
Kasi nakakaloko na talaga na paulit ulit nalang akong nasa likod mo,
Aabante pagkatapos susunod sa 'yo
Tapos mayamaya luluha na naman
Kasi makikita ka na namang parang walang pakialam, wala kang pakiramdam

Pero aabante...
Dahil gusto kita
At lumalim na kaya ngayon mahal na kita
Ito at ito lang ang pinanghahawakan ko pero bakit paulit ulit akong humahabol sa 'yo kahit wala namang tayo
Kahit ito lang ang pinanghahawakan ko kasi sa tingin ko naman may pag-asa pa ako
Na baka isang araw makita mo ako
Na baka isang araw maramdaman mo ang presensya ko
Na baka minsan pahalagahan mo ako
Na baka kahit isang beses, titibok 'yang puso mo at ang dahilan ay ako

Ang dami kong sana at baka
Pero alam mong ang hiling kong nag-iisa
Sana alam mo
Baka alam mo
Sana mahalin mo ako
Baka mahalin mo ako kung sakaling aamin ako sa 'yo
Kung aamin akong ikaw ang mahal ko

Pero aatras na naman ako dahil natatakot ako
Aatras na naman ako dahil sa mga paano ko
Paano kung hindi pala
Paano kung bumaliktad ang mga baka
Paano kung puro motibo lang pala
Paano kung kutob ko lang pala
Paano kung nadala lang ako sa hula
Paano kung matapos ng pag-amin ko sa 'yo ay 'yong na rin ang katapusan ng kasiyahan ko?
Paano? Paano...

Pero kasi mahal kita!
Ito na namang ang sandamakmak kong pero
Pero... Baka... Sana...
Iniisip ko lahat ng positibo pero mukhang kalalabasan nito ay puro negatibo
Mahal kita pero ang hirap mamili kung aatras o aabante
Doon nalang kaya ako sa o?
Tuloy ang pagpapakatanga habang hindi nasasaktan?
Pwede ba 'yon?
Posible ba 'yon?
Hindi naman kasi pwedeng umamin sabay titigil.
Hindi rin pwedeng tumigil tapos magpapakatanga ulit.
Nakakapagod magatras abante dahil wala akong patutunguhan

Pero naisip ko
Pwedeng magpahinga
Pwedeng tumigil muna
Hanggang sa dahan dahan nang mawala
Hanggang sa makalimutan ka
Hindi ito pag-atras, hindi rin pag-iwas
Sandyang hahayaan ko lang lumipas 'tong nararamdaman
Daanan mo kahit kailan
Dahil babangon ako isang umaga
Ibang daan ang tatahakin ko na

---
Halluuuu! Wampashok bukaaaas. Laba day is real!

Edited: Stress is real!

Tears Per Lines [Poetries]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon