Cool Off

50 0 0
                                    

Cool Off
Written by: QueenSandok / readerwriter10 / Via Aiv
Date posted: March 7, 2016

Hanggang kailan ako iiyak?

Hanggang sa dugo na ang pumatak?

Hanggang kailan kita pagtitiisan?

Hangga't gawaran akong uliran?

Nakakapagod kang mahalin

Dahil parang ako lang ang nagbubuhat sa atin

Mas mabuting tama na

'Tong relasyong 'to, itigil muna

Oo, mahal kita

Pero bakit ganyan ka?

Para akong tanga.

Nagmamahal mag-isa.

Linawin na natin 'to.

Para maayos tayo,

Tapatin mo ako

'Wag ng kasinungalingan pero ng totoo.

'Di dahil naawa ka sa 'kin

Eh pwede mo na akong paikutin

'Di dahil sumuko na ako

'Di na ikaw mahal ko

Wala naman kasing nangyayari

Parang ako lagi ang lugi

Umiiyak ako dahil sa 'yo

Ikaw, iniyakan mo ba ako?

Ano susuko kana ba?

Wag kang mag-alala may oras pa.

Pero kahit anong sabihin mo

Cool off muna tayo.

Respeto sa disesyon ko

'Wag mo akong iyakan dito

Masyado ka ng abuso

Akala mo wala ako.

Alis na, 'wag ng umiyak pa

Nakaya mo nga 'yan kanina

Kaya mo rin 'yan araw araw

'Di naman siguro luha mo'y mababaw

Paalam sa ngayon sa 'yo

Linawin mo muna nararamdamam mo

Bago ka bumalik sa 'kin

Tsaka lang kita tatanggapin

--------------------

Okay, so this was written way back when I was a Grade 8 student. May nabasa kasi ako 'di ko na maalala ta's bigla akong nagsulat. Partida, sa computer shop pa ako nito😂

And by the way, readerwriter10 was my first username in this account baka sabihin niyong may ka-collab ako or plagiarized 'to

Tears Per Lines [Poetries]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon