College Life: bonding time

47 0 0
                                    

Chapter 7..

Jaine Pov..

Sabado..

Maaga kaming nagising at nakaimpake na kami ng gamit ng ina at kapatid ko nung madaling araw palang.

Kaya sobrang saya ng kapatid kong si Jen Jen kaya lahat ng pangswimming nya at laruan ay gusto nyang dalhin.

Natatawa na lang kami ng inay ko sa kakulitan ni Jen Jen.

pinaliwanag ko naman sa kanya na dalawang araw lang kami sa resort at hindi na nya kailangan pang magdala ng marami.

Nagmaktol sya ng ayaw nyang iwan ang mga laruan nya gusto nya itong isama.

Kaya kahit ayaw namin ni inay na dalhin ay dinala na namin para hindi na ito magtampo.

alasais palang ay sinundo na kami ni Tristan sa bahay at ngayon ay nasa byahe na kami papuntang resort.

Nasa unahan namin ang sasakyan nila ethan.
Kasama nya sa kotse ang nobya nyang si Irish at ang kaibigan namin si Madeth.

Nasa kotse naman ni Tristan ako at ang pamilya ko.

"Mama excited na po ako makakita ng pool at magswimming kami ni ducky!!" Masayang saad ni Jen Jen  sa amin habang hawak hawak nya ang laruang duck.

Napangiti naman kami.

"Malapit na tayo baby Jen..!"-tristan.

"Yehey!.."-Jen Jen.

"Kaya behave ka lang jen jen ok!!?"-sambit ni inay.

Tumango naman si jen jen at tumingin sa labas ng bintana at tinanaw ang kapaligiran na puro puno at halaman.

Mga tatlong oras pa ang byahe kaya natulog muna ako at ganun din sila inay at jen jen.

Nakatutok naman sa pagdrive si Tristan.

.....................

mahimbing ata ako nakatulog ng maramdaman ko ang paghaplos sa akin pisngi.

Dahan dahan ako namulat at pagdilat ko ay nabungaran ko agad ang gwapong mukha ni tristan na nakangiti sa akin.

kinusot ko naman ang aking mata at humikab

nagunat ng aking mga kamay.

"Good morning baby!!"-tristan.

"Good morning bhie!!
Teka lang na saan na tayo??!
bakit nakastop na tayo
saka teka asan na sila inay at Jen jen??!..." sunod sunod kong tanong habang palinga linga sa paligid.

Napatawa naman si tristan.

Tiningnan ko sya ng masama at napanguso.

"Bakit ka tumatawa dyan?!
May nakakatawa ba sa tanong ko bhie!!?"-saad ko.

Ginulo nya bigla ang aking buhok.

"Relax lang baby..
isa isa lang ang tanong..!!
Mahina ang kalaban
Hahaha!!.."natatawang sambit nya sa akin.

"Tsk.. ewan ko sayo bhie!!"-nakasimangot na sabi ko.

Tumigil na sya sa pagtawa at kiniss ako sa noo.

"Wag kanang magalit baby!! Ok..
una nandito na tayo sa resort..
Pangalawa nasa loob na silang lahat..
pangatlo hindi muna kita ginising kasi ang ganda mo kasing pagmasdan..
Lalo akong nahuhulog sayo baby!!.." nakangiting sambit nya sabay hawak sa kamay ko para tulungan nya kong lumabas sa kotse.

Namula naman ang pisngi ko sa sinabi nya at agad nya kong niyakap.

"Ganun ba pasyensya na napasarap ang tulog ko..
kanina pa ba tayo nandito??!"tanong ko habang nakayakap sa kanya.

book 2: College LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon