College Life: Kiss

44 0 0
                                    

Chapter 23....

Jaine Pov...

Patuloy pa rin ako sa pagiyak.

At hinawakan ni james ang magkabilang braso ko para ako pakawalan sa yakap nya.

Tiningnan nya ang aking mukha at kita ko ang biglang pagwala ng galit nya napalitan ng pagaalala.

Pinunasan nya ang aking mga luha at ngumiti sa akin.

"Im sorry masyado ata kitang nabigla sa mga tanong ko..

Hindi ko pa rin maalala ang mga sinabi mo sa akin   2 years ago..
Pasyensya kana jaine kung bigla kitang sinigawan...
Nawala ako sa sarili ko sa nais na malaman ang totoo..
Pero kahit anong gawin ko wala pa rin ako maalala...
meron dito sa puso ko na hindi ko maunawaan na nais sabihin sayo pero hindi maintindihan ng utak ko kung ano ang nais nitong ipaalam sayo!!
im very sorry kung na pressure kita..
Tahan na ayokong makita kang umiiyak..!!
Sa mga nalaman ko sayo hindi ko pa rin maalala ang mga iyon..

Ngunit jaine sinasabi ng puso ko na Gusto Kita!!..
Nakakatawa di ba hahaha...
Taken na ako pero simula ng nakita kita sa park na nabunggo ka ng kapatid ko..
bumilis ang tibok ng puso ko at nakita kitang napaupo sa damuhan at umiyak gusto kong bumalik patakbo sayo at yakapin ka pero naduwag ako kasi may taong lumapit sayo at yumakap..
at yun nga  ang boyfriend mo si Tristan..
May kirot at sakit akong naramdam sa puso ko..
Nasaktan akong nakikita kang umiiyak at masaya sa piling ng iba...
At sa pangalawang pagkakataon nagtagpo muli ang landas natin hindi ko alam na doon ka pala nagaaral..
Natuwa ang puso ko ng makita kitang muli gustong gusto kitang yakapin at sabihin na masaya akong makita ka pero may pumipigil sa utak ko na bakit pa hindi kita lubusan na kilala pero sa puso ko ramdam ko na mahalaga ka sa akin...
nagtatalo ang puso at utak ko!!
Hindi ko alam kung ano ba ang susundin ko..
Nagalala ako para sayo ng mawalan ka nun ng malay ng makita mo ako nagtaka ako kung bakit??!!...

At nang tumagal pa naging magkaibigan na tayo kasama ang barkada mo..
Nakaramdam ako ng sobrang saya sa puso ko na noon ko lang ulit naramdaman at bumalik sa akin...

Para akong baliw sa sobrang galak...

Tuwing gabi tuwing inaatake ako ng pananakit ng ulo ko..
Puro mukha mo ang nakikita ko...
Masaya ako na lagi kitang nakikita at nakakasamang kumain sa canteen..

Pero nang sabihin mo nung nangyari noon 2 years..
Hindi ako makapaniwala..
Hindi ko rin alam kung bakit kita nakalimutan at kung paano ako napunta sa amerika...
Naguguluhan na ako...
sa sarili ko...

I know mali kasi may Lexi na ako at may tristan kana..
Pero iba ee iba ang sinasabi ng puso ko..
Mahal ko si lexi pero tuwing nakikita kita iba ung saya na dating mo sa akin...
Namimiss kita kapag hindi kita nakikita...

Kaya masaya ako dahil tapos na ang 2 year college natin at sembreak na natin ngayon at makakasama kita..
Jaine iba ka sa nakilala ko..

Nakalimutan man kita hindi man kita maalala o babalik pa ba ang nakaraan isa lang ang alam ko puso ko ang susundin ko..
kinalimutan ka man ng utak ko pero nandito ang puso na na tumitibok para sayo..!!"seryosong paglalahad sa akin ni james...

Ramdam ko ang sinsiridad nya at katotohanan sa mga  binitiwan nyang salita..

Napatahimik ako at nakatitig lang sa kanya.

Napabilis ang tibok ng puso ko at may dumadaloy na kuryente sa buong sistema ko.

Abala ako sa malalim na pagiisip ng maramdaman ko na lang ang mga labi ni james sa labi ko.

Na ngayon ko na lang ulit naramdaman.

Pagmamahal at pananabik ang bumalot sa akin para akoy gumanti ng halik..

Ewan ko nabaliw na ata ako kaya gumanti ako sa kanya at humawak sa leeg nya.
Humawak naman sya sa bewang ko.

Ilang minuto din ang tumagal.

Napadilat ako ng sya na ang kusang bumitiw sa mga labi ko.

Kitang kita ko sa mga mata nya na lungkot at pagaalala.

Nakatingin lang ako sa kanya.
walang nais magsalita sa amin.
ramdam ko ang tibok ng puso nya.

"James!!"mahinang sambit ko.

Ngunit ngumiti lang sya ng malungkot.

nagulat ako ng haplosin nya ang aking pisngi at hinawi nya ang buhok na nakasagabal sa aking mukha hinawi nya sa aking tenga.

Hinalikan nya ako sa noo.
Sa dulo ng ilong ko sa pisngi at sa huli sa labi.

Nagulat man ay napapikit ako ng mariin at dinama ang bawat sandali na kasama ko sya.

Namiss ko ang lahat lahat sa kanya.

Ang malambot nyang labi.

Mabilis lang ang nangyari at binitiwan na nya ako.

Napadilat ako at napakurap.
Nagtaka sa biglaan pagalis nya.

Paglingon ko.
Naglalakad na sya papalayo sa akin na para bang walang nangyari.
Papunta sa direksyon sa kabilang kanto kung saan nandun ang mga barkada namin.

Nalito ako sa inasal nya.
Nakaramdam ako ng panghihinayang at nasaktan.
Namuo na naman ang mga luha sa akin mga mata.

Nanatili pa rin akong nakatayo habang pinagmamasdan sya papalayo.

feeling ko anytime babagsak na ako.
nanglalambot na ako.
Parang kanina lang sinabi nya na mahal nya pa rin ako..
at aaminin ko natuwa ako sa narinig ko mula sa kanya.
Alam ko mali kahit ako naguguluhan na sa puso ko sino na nga ba kila
James at tristan ang mas matimbang..
Parang bumalik lahat ang nangyari noon.
Si james ba o si tristan pa rin.

Para akong tinutusok ng ilang beses sa puso.

Bakit bigla syang nagkaganun..
Iiwan na lang nya ko bigla matapos nya kong halikan.

*****************

book 2: College LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon