College Life: Unexpected Transfer Student

216 0 0
                                    

Chapter 1...

Jaine Pov..

"James!!
Hindi pwede..!!?"
Sigaw ko sabay tumayo ako pero nahilo ako at dumilim ang paligid ko...

Di ko namalayan na nawalan ako ng malay sa classroom kanina.
Pagkamulat ko ng mata nagising na lang ako na nakahiga sa bedsheet at puro puti ang kapaligiran.

Naisip ko na nasa clinic ako ngayon.

Naalala ko bigla ang nangyari kanina.
Nabigla ako ng makita ko ulit sya.
Kaya napabangon agad ako sa higaan.

"Hindi pwede ito..!!
bakit pa sya bumalik at nandito sa school??!"
sambit ko.

Di ko namalayan na nasa tabi ko si Tristan at nakahiga ang ulo nito sa kama habang nakahawak ang kamay nya sa akin.

Bigla itong gumalaw at napadilat ng mata sabay lingon sa akin.

Gising kana pala baby??!!
ok kana ba ngayon??!!
May masakit ba sayo?!!
Gusto mo bang kumain.??!!
Sunod sunod na tanong ni Tristan sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kamay nya.

"Salamat sayo bhie at hindi mo ko pinabayaan at lagi kang nasa tabi ko"

"Yes of course!!
Because I Love You"
-Tristan.

Niyakap nya ko bigla kaya gumanti rin ako ng yakap sa kanya.

"Sorry sa nangyari kanina..
Nalipasan siguro ako ng gutom at saka pagod na rin kaya bigla akong nagcollapse"

"Its ok baby!!
kaya habang tulog ka kanina bumili na ako ng food para makakain ka ng maayos at hindi kana magcollapse ulit"
nakangiting sambit ni Tristan.

At pinagsaluhan namin ni Tristan ang mga pagkain na binili nya para sa akin..

May bigla akong naalala kaya tinanong ko si Tristan.

"Uhmm.. bhie.!?!
Totoo ba ang nakita ko kanina na si J-ames ung bago natin classmate??!"
Nahihiyang tanong ko.
Alam ko aukward itong itanong sa kanya kasi magseselos sya.
ramdam ko yun.

Kita ko ang pagbabago ng expression ng mukha nya ng banggitin ko ang pangalan ni James.
Napaiwas ito ng tingin sa akin at nakatingin sya sa bintana.

"Oo sya nga ang nakita mo kanina bago ka mawalan ng malay"
malungkot na sambit ni tristan.

"Bhie sorry..
Akala ko namamalikmata lang ako..!!
Yun pala totoo ung nakita ko"
Malungkot na sambit ko sa kanya.

Hinaplos nya ang pisngi ko kaya automatic na napatingin ako sa kanya.

"Wala ka dapat ipagalala dahil nandito ang boyfriend mo para samahan ka"
sambit nya habang pilit na ngumiti.

"Uhmm..
Ano pala sabi ng nurse pwede na ba akong bumalik sa next class??!!"
Pagiiba ko ng topic.

"Oo. Nakausap ko na ang nurse at pwede kana raw pumasok ulit"
-Tristan.

"Salamat naman..
Halika na sabay na tayo pumasok bhie..!!"

"Sige baby"-tristan.

At pagkatapos namin kumain ay hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit bago lumakad pabalik ng next class.

Alam ko sa sarili ko na kinakabahan ako na muling makaharap ang taong ilan taon kong hinintay at iniyakan.
Ngunit ngayon iba na dapat magpakatatag ako at ipakita sa kanya na ayos lang ako at wala na kong pakialam sa buhay nya dahil may iba na ko..

Pagpasok namin sa room ay tahimik lang ang lahat.
Kitang kita ko ang mga kabarkada ko na sila Irish Ethan at Madeth na nagaalala sa akin at tahimik rin na nakaupo sa likuran.

Nang makalapit kami ni Tristan sa kanila ay agad akong niyakap ni Madeth.
Napangiti naman ako ng dahil dun.

"best!!? Ayos kana ba?!
may masakit ba sayo?!!
-Madeth.

"Im ok now..
Salmat sa pagaalaga sa akin ng magaling kong boyfriend"
Nakangiting sambit ko sabay ngiti kay Tristan.

Ngumiti din sa akin si Tristan at ginulo ang buhok ko.

Napanguso na lang ako sa ginawa nya kaya napatawa ang mga classmates ko pati na rin ang barkada ko.

Natawa na rin ako sa inasal ko.

"Im Happy that you are  all ready fine.."
Masayang sambit sa akin ni Ethan.

Sumangayon naman si Irish at ang iba  pa.

Napadako ang tingin ko sa kabilang dulo ng upuan kung saan nandoon nakaupo ngayon si James at tahimik lang na nakadungaw sa bintana.

Hindi ko alam ang gagawin ko na makita sya muli.
Hindi ko maisip kung paano ako kikilos ng maayos ngayon na bumalik na sya muli.

Inakbayan ako bigla ni Tristan na mapansin nya na nakatingin ako sa gawi ni James.
napatingin ako bigla sa kanya at ngumiti.

Naisip ko na ito na ang araw na dapat akong magmove on at magbagong buhay dahil alam kong marami ang nagmamahal sa akin kahit bumalik pa ang taong noon ko minahal..

book 2: College LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon