Chapter 27...
Jaine Pov....
Flashback...
Naiinis talaga ako kay james..
bakit ba pilit nyang gustong ibalik ang nakaraan..
Mahal ko sya oo pero alam namin na mali kung ipagpapatuloy pa namin ang paguusap namin..Nagulat ako ng sundan nya ko habang tumatakbo ako papalayo sa kanya.
Akala ko hahayaan nya lang ako na umalis ngunit sinundan nya ako.end of flashback..
Patuloy ako sa pagtakbo ng sigawan ako ni james na huminto daw ako pero huli na.
"ahhhhh"sigaw ko.
Nadulas ako at pahulog na sa bangin.
Nakaramdam ako ng matinding takot hindi para sa akin kundi sa taong nagmamahal sa akin at sa pamilya ko.
Napapikit na lang ako at hinihintay na gumulong gulong pero napadilat ako ng mata ng maramdaman ko na may humawak sa aking kamay..
Nakita ko si james na hawak ang kamay ko at nakahawak sya sa sanga ng puno.
"James.."bulalas ko.
"Jaine kumapit ka wag kang bibitaw sa kamay ko!!"pakiusap ni james sa akin.
Kitang kita ko ang sinsiridad sa mga sinasabi nya.
Nagaalala sya para sa akin.
Ramdam ko yun.Kaya humawak din ako sa kamay nya ng mahigpit.
Hinatak ni james ang kamay ko pataas.
Ngunit naputol ang hinahawakan na sanga ni james at parehas kaming gumulong gulong sa bangin.
ramdam ko ang yakap ni james sa akin habang gumugulong gulong kami sa mabato batong bangin.
Ang sakit ng katawan ko ramdam ko na rin na may sugat ako sa ibat ibang parte ng katawan ko.
Napapikit ako dahil natatakot ako sa kahihinatnan nito.Napadilat ako bigla ng pagkatapos namin gumulong gulong ay bumagsak naman kami sa umaagos na tubig.
sa lakas ng pagbagsak namin ay napunta kami sa ilalim ng tubig at nakita ko na lang na may dugong nanggagaling sa ulo ni james.
Kaya natakot ako at nagalala.Nakapikit na si james at unti unting bumitaw sa pagkakayakap sakin si james...
Kaya agad ko syang niyakap at lumangoy ako papunta paitaas.
Nang nasa ibabaw na ako ay tinangay naman kami ng malakas na agos ng tubig papuntang ibaba.
Nagdasal na lang ako sa panginoon.
Tiningnan ko si james na nakapikit at walang malay habang may sugat sa noo at ulo.
Awang awa ako kay james.
Niyakap ko si james at napaluha ako.
"James!! Wag mo kong iiwan..
gumising ka james!!
kumapit ka please..
mahal kita!!"umiiyak na saad ko.Sabay nahulog na kami pababa sa water falls.
At dun unti unti akong nawalan ng malay..James Pov..
(Dream)
"Nasan ako!!???
may tao ba dyan??!!"saad ko habang palinga linga..Ang naaalala ko nililigtas ko si jaine pero teka na saan na sya..
Jaine!! Jaine!! Nasan ka!!
Sumagot ka jaine!!
Sambit ko.Nagtataka ako dahil nasa isang lugar ako na punong puno ng bulaklak at napakalawak ng lugar..
Lumakad ako at may napansin akong babaeng nakatalikod sa malayo.
Lumakad ako papalapit sa kanya at hinawakan ito sa balikat.
Unti unting lumingonang babae sa akin at laking gulat ko ng si jaine ang nasa harap ko ngayon at nakangiti.
Nakadress syang puti at may bulaklak sa tenga at hawak na bulalak sa kamay..
"J--aine??"takang sambit ko.
Ngumiti lang sya sa akin.
Tumayo ito at lumakad papalayo sa akin.
Nagtaka ako kaya hinabol konsya kaso bakit ganun di ko sya maabutan..
At unti unti itong nawala.
Luminga linga ako pero wala na ang anino nya.
"Jaine!!!"sigaw ko.
BINABASA MO ANG
book 2: College Life
Fiksi Remajamay magbabalik..?!! may magbabago..!! may masasaktan..?? may magpaparaya..?! may sasaya....!!!!!! nagmahal.. nasaktan.. sumaya... ang storyang ito ay may halong kilig at lungkot... iiyak at liligaya. ??!! kaya tunghayan natin ang kwento ng ating mg...