College Life: missunderstanding

39 0 0
                                    

Chapter 11...

Jaine Pov...

Nagulat kami ng patakbong lumapit si Tristan kay James at sinapak ito sa mukha.

Napasigaw naman si madeth at irish sa gulat sa pagsuntok ni tristan kay james.
nasapo nila ang kanilang bibig.

Maging ako gulat na gulat.

Napabagsak sa sahig si james at napahawak sa pisngi.
May konting dugo ang umagos sa gilid ng kanyang labi.

"Ohh my God!!
Bhabe!! Are you ok??!"-Lexi.

umupo at inalalayan ni lexi si james na tumayo.

Sabay tingin ni lexi ng masama kay tristan.

"How dare you to punch Him!!.."galit na sigaw ni lexi.

Pilit ako tumayo at inalalayan ako ni inay at Madeth.

Parang natauhan si Tristan sa ginawa.
At umayos ng tayo.

"Tsk.. bagay lang sa kanya yan"-inis na sagot ni tristan.

"Tristan!!
Bakit mo ginawa yun kay James??!"naguguluhang tanong ko kay tristan.

Tumingin sya sa akin ng may lungkot sa mata.

"Jaine bakit magkasama kayo ni James??!!
kanina pa kita hinahanap..
Nakita ko kayo pumasok dito sa resort at buhat buhat ka nya..nakahawak ka pa sa leeg nitong lalaking toh..
naginit ang ulo ko ng makita ko kayo tapos ngayon magkakasama kayo dito at masaya lahat..

Umandar ang pagiging seloso ko baby!! Sorry..

kanina pagbalik ko sa labas dun sa tinambayan natin sa buhanginan wala kana.. natakot ako akala ko nakidnap kana o kung anuman..
nababaliw na ako sa kakahanap sayo sa labas ng resort tapos makikita ko na lang kasama mo ang lalaking ito at buhat ka pa nya!!
Anu na lang ang iisipin ko??! jaine..!!
Nagpakahirap ako hanapin ka tapos ito ang madadatnan ko!!"Sigaw nya habang nagpipigil ng galit.

Naiyukom nito ang kamay at binitawan ang hawak na bulaklak na para dapat ibigay sa akin.

Buhat doon napaluha ako..
At napahawak sa aking bibig.

Hindi nya alam ang nangyari kanina kung bakit kami magkasama ni james..
Kailangan nya malaman ang totoo..

"Bh--ie.. let me exp--lain..!!"gumagaralgal na boses ko.

Kasi alam ko ung feeling na nagmumukhang tanga sa kakahanap sayo na bigla bigla kang nawawala tapos hindi ka nagpapaalam syempre magaalala yung tao.
Kasalanan ko rin naman kasi bigla akong umalis kanina ng walang paalam.
Kaya iisipin nya may ginawa akong kalokohan.
At ngayon makikita nya ko kasama ang lalaking mahal ko noon.

Kita ko ang lungkot sa mga mata nya at anumang oras ay lalabas na rin ang mga luha nya.

Kaya agad syang umiwas ng tingin sa akin sabay sabing...!!

"Just let me excuse..
I need Fresh Air!!.."malungkot at madiin na sambit nya sabay lakad palabas ng pintuan ng walang lingon lingon sa akin.

Tuluyan na akong napaiyak at napaupo sa sofa.

Hinagot naman ng aking ina ang aking likuran para pakalmahin ako.
Niyakap naman ako ni Madeth.

tahimik naman nakatingin sa akin ang apat sila irish ethan james at lexi.

Ang sakit sakit...
Ung taong mahal ko ngayon may galit sa akin.
At di nya naiintindihan kung bakit kami magkasama....

**********************

😢😢😢😂

book 2: College LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon