College Life: Picture Frame

33 0 0
                                    

Chapter 31....

James Pov...

Natulala ako ng makita ko ang larawan na nakapatong sa ibabaw ng kabinet.

Naibagsak ko ito at nabasag ang frame.

Hindi ako pwedeng magkamali sya yun..

Nakita ko na lang na nakalapit na sa harapan ko si jaine at pinupulot ang picture at ang basag na frame.

"Anu ba yan james hindi ka nagiingat yan tuloy nabasag!!
magagalit yan sila nanay at tatay.."sabi sa akin ni jaine.

"Kasi ano ee nagulat ako kung sino ang nasa litrato..!!"sambit ko.

Bigla naman dumating ang magasawa galing sa labas.
Lumapit sila sa amin na may pagaalala sa kanilang mukha.

"Anong nangyari dito??"tanong ni nanay maria.

"Sorry po nay maria nabagsak po kasi ni james itong picture frame kaya nabasag!!"hinging paumanhin ni jaine.

"ok lang yun iha at iho mapapalitan naman ulit ang frame buti at walang nasugatan sa inyo.."sambit ni nanay maria.

Tumayo na si jaine at iniabot kay tatay macky ang picture.

kita kong ang lungkot sa mga mata ng magasawa.

Kaya gusto kong itanong kung sino ang bata sa larawan.

"Nanay maria at tatay macky gusto ko lang po itanong kung sino po ang nasa larawan.??"tanong ko.

Ngumiti ng pilit si nanay maria at inakbayan naman sya ni tatay macky.

"Ito ang kaisa isang anak namin na pumanaw na sya si MM...
michael mackie..
Ang bata pa nya ng namatau sya hindi ko man lang sya naalagaan ng matagal..
At mahal na mahal namin sya..."lumuluhang pahayag ni nanay maria.

Nalungkot naman ako sa nalaman ko.

Lumapit si jaine at niyakap ang magasawa.

"bakit mo nga pala tinatanong iho??!"-tatay macky.

pinunasan muna ni nanay maria ang mga luha nya at parehas silang tumingin sa akin maging si jaine ay nakatingin na rin sa akin.

" sya po kasi ang batang tumulong sa akin para makabalik ako sa katawan ko..
Kaya ako ngayon ay gising at nasa harap nyo ngayon..
Ang laki ng pasasalamat ko sa kanya.

Nagulat ako dahil destiny na nagkita kita tayo at gusto nya ipasabi na mahal na mahal kayo ng inyong anak..
Wag nyo daw pababayaan ang sarili ninyo.
Gusto nyang tulungan ko kayo  para maging maganda ang buhay nyo..."mahabang paliwanag ko.

Napaiyak muli si nanay maria.

"Hindi pa rin pala nya kami pinabayaan kahit wala na sya sa lupa nandyan pa rin ang kaluluwa ng anak ko para gabayan kami at tulungan sa pamamagitan mo iho..
Salamat at sinabi mo sa amin ang tungkol dyan..!!"lumuluhang saad nya.

Lumapit ako at niyakap si nanay maria.

" wag po kayong magalala hindi ko po kayo pababayaan..
tinuring ko na po kayong parang pangalawang magulang..
salamt din kay mm dahil nandito na ulit ako at maayos na maayos.."nakangiting sambit ko sabay tinap naman ako sa balikat ni tatay macky.

Pagkatapos yun ay nag group hug na kami.

Pagkatapos ng lahat lalo na sa nalaman ko na anak pala nila nanay at tatay si mm.
laking tuwa ko.

...............

Nasanay na rin ako sa buhay probinsya.
Saka doon saka dito...
Masaya ako kasama ang taong mahal ko..
Pero pagkatapos nito at makabalik na kami sa manila ay iiwasan ko na si jaine alang alang sa mga minamahal namin.
Alam ko nagaalala na rin sa akin ang magulang at ang girlfriend ko..

..............

Fast forward...

One month na kaming naninirahan dito at masasabi ko na masaya pala at payapa dito sa province kahit mahirap ang buhay ay punong puno ng saya at masagana sa pagmamahal ang mga naninirahan dito..
Marami akong natutunan sa paglagi ko rito.

Sobrang close na ulit kami ni jaine.

Pagsapit ng gabi patulog na kami ng may kumatok sa pinto.

" sino naman ang pupunta ng ganitong oras??!"tanong ni jaine..

book 2: College LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon