Chapter 43...
Jaine Pov..
Nakarating ako sa restroom at pumasok ako sa isa sa mga cubicle at doon humagulgol ng iyak.
Sobrang sakit ng aking nararamdaman.
Hindi ko matanggap sa aking sarili na aagawin ng bestfriend ko ang boyfriend ko.Bakit sya pa..
Bakit nila ako niloko..
Tanong ko sa sarili ko.
mga ilang sandali ay lumabas na ako at naghilamos sa may lababo.
Pagbalik ko sa classroom ay nandoon na si irish na nagalala sa akin.
Kitang kita ko sa mga mata nya ang pagaalala nya.Nilapitan nya ako sabay yakap.
Nakaramdam ako ng karamay sa mga oras na yun.
Gumati ako ng yakap sa kanya.
Pagkatapos ay umupo na kami at nagtabi ng upuan.
Dumating na rin ang tatlo si ethan tristan at madette.
At seryoso ang mga mukha nila .
Lumapit agad sa akin si tristan at inakbayan ako.
Pero tinanggal ko ang pagkakaakbay nya.Napakunot noo naman si tristan sa inasal ko ngunit di ko na lang sya pinansin.
Napatingin ako sa kabila na nakabusangot si irish.
Kinukulit kasi sya ni ethan at nilalambing pero di pinapansin ni irish si ethan.
Si madette naman ay tahimik lang at katabi ng upuan ni ethan at tulala na nakatingin sa harapan.
At halatang umiyak sya.Pagkatapos ng klase ay nagsibabaan na ang iba para kumain.
Naiwan na lang kaming barkada sa classroom.
Tumayo na ako at nagmamadaling papalabas ng classroom ngunit hinigit ako ni tristan kaya napayakap ako sa kanya.
Napatingin ako sa kanyang mukha na seryoso at nagtataka.
"baby iniiwasan mo ba ako??
Kanina pa kita kinukulit at inaakbayan pero di mo ko pinapansin.
may problema ba tayo??"tanong nya.Nasa likod lang namin sila irish ethan at madette at nakikinig.
Naiinis at nakakaramdam ako ng galit sa kanya.
Pinakalma ko muna ang sarili bago bumitaw kay tristan at naglakad muli.Ngunit sumigaw na si tristan sa inis.
"JAine! Kausapin mo ako!!
Anong nangyayari sayo??!"-tristan.Huminto ako sa paglakad at humarap sa kanya.
"Ako walang problema baka ikaw may problema sabihin mo na ang totoo!!"sambit ko.
"
Baby wala naman akong problema ee ikaw nga itong may problema e iniiwasan mo ko e!!"lambing na tono ng boses ni tristan sabay lapit sa akin at haplos ng aking pisngi.Hinayaan ko lang sya sa ginagawa nya.
Biglang lumapit na sa amin ang tatlo.
Napalingon ako kay madette na di mapakali.
"
Best pwede ba tayong magusap ng tayo lang dalawa sa mini garden..??
Importante lang may gusto lang akong ipagtapat sayo??!"nauutal na sambit nya.
Halatang kabado sya at parang alam ko na ang sasabihin nya."Sige bes halikana at mamaya na ako kakain!!"saad ko sabay hawak sa kamay nya.
Ngunit pinigilan kami ni tristan.
"Nooo..
Wala kayong dapat pagusapan!!"diretsong sambit ni tristan."At bakit mo kami pinipigilan tristan??!"tanong ko.
"Aa e kasi wala naman kwenta paguusapan nyo kaya wag nyo na ituloy kain na lang tayo sa canteen!!"sagot ni tristan sabay hatak sa kabila kong kamay.
At inilayo kay madette.Biglang sumigaw si madette.
"Tristan sabihin na natin ang totoo ayoko ng patagalin pa ito!!"sigaw nya kay tristan.
Napakunot noo si tristan sa inis.
sabay bitaw sa kamay ko at lapit kay madette at hinawakan sa magkabilaang balikat ng mahigpit."Di ba sabi ko sayo wala kang sasabihin sa kanya!!"galit na sambit nya.
"Aray! Tristan nasasaktan ako!!"naiiyak na sambit ni madette habang pilit na inilalayo nya si tristan sa kanya.
lumapit na si ethan para pigilan si tristan.
"Pare tama na yan!!"-ethan.
"Pare hayaan mo ako!!"-tristan.
"Anong dapat kong malaman??!"tanong ko sa kanila ng makalapit na ako.
Napalingon silang dalawa sa akin.
Alam ko naman ang totoo ngunit gusto ko na magmula sa kanila ang totoo.
"wala lang yun jaine baby kaya tara na kain na tayo!!"sambit nya sabay hawak sa kamay ko at hinatak papalayo sa mga kaibigan ko.
Pero pinigilan ko sya.
"No Tristan tell me the truth!!"inis na sambit ko.
"No jaine wala ka dapat malaman!!"medyo inis na nyang sambit.
Nagagalit na ako kay tristan dahil ayaw nya sabihin ang totoo.
"Wala lang yun baby halikana!!"saad nya sabay pilit na hinahawakan kamay ko.
Sa sobra kong inis ay nasampal ko na sya.
"Alam ko na ang totoo nabuntis mo ang BESTFRIEND ko!!"sigaw ko sa kanya sabay noon ay pagpatak ng mga luha ko sa pisngi.
Nanlaki ang mata ni ethan sa gulat.
Ganun din si tristan at madette na napasabo sa kanyang bibig.********************
BINABASA MO ANG
book 2: College Life
Novela Juvenilmay magbabalik..?!! may magbabago..!! may masasaktan..?? may magpaparaya..?! may sasaya....!!!!!! nagmahal.. nasaktan.. sumaya... ang storyang ito ay may halong kilig at lungkot... iiyak at liligaya. ??!! kaya tunghayan natin ang kwento ng ating mg...