Chapter 28...
James Pov...
Sigaw ako ng sigaw at palinga linga sa paligid pero walang jaine na lumabas..
Tumakbo ulit ako sa malawak na paligid na napapaligiran ng mga bulaklak..
Habang tumatakbo ako ay bigla akong nahulog ulit pababa sa bangin at unti unting dumilim ang paligid..
Napunta ko sa madilim na paligid.
Napaupo ako sa sahig at unti unting tumayo at kumapa kapa sa paligid.
Dahan dahan akong lumakad pero wala ako makita."Nasan ako??
Jaine!! Jaine!! Nasan kana..!!??"sigaw ko.Biglang may liwanag na lumitaw sa di kalayuan sa kinatatayuan ko.
Nagtataka man ako at kinakabahan ay lakas loob akong lumapit sa liwanag.
Paglapit ko bigla akong nasilaw sa liwanag at napapikit ako at binuksan ang isa kong mata.
bumungad sa akin ang isang malaulap na paligid.
Puro ulap ang nakapaligid.
Lumakad ako papalapit sa isang malaking ulap na nakalutang.
"Nasa heaven na ba ako??!""
"Patay na ba ako??!!"gulat na sambit ko.
"Hindi pwede ito ayoko pang mamatay..
ayaw ko pang iwan ang mga mahal ko sa buhay..!!"natatakot na saad ko.Umupo ako at napasabunod sa buhok ko.
Para na akong baliw sa kakaisip kung nasaan ako o kung patay na ba ako.
Nagulat ako ng may paa akong nakita na lumapit sa harapan ko.
Pagtingin ko kung sino ito ay nagtaka ako.
"Sino ka??"sambit ko.
Ngumiti ito sa akin at iniabot ang kamay nya sa akin para akoy tulungan makatayo.
Inabot ko naman ang kamay nya at tumayo na ako.
Ngunit nagtaka ako ng hindi nya binitawan ang kamay ko at hinigpitan ang kapit sa kamay ko.
lumingon sya sa akin at ngumiti.
Nagtaka ako ng hatakin nya ang kamay ko at dinala kung saan saan.
Napadpad kami sa isang lugar na may isang nakatayong fountain.
"Anong ginagawa natin dito at saka sino ka ba talaga??!
Bakit m ako dinala dito??
Patay na ba ako ??!!"mahabang tanong ko."Di mo na kailangan malaman kung sino ako??!!
Ang mahalaga ngayon ay bumalik kana sa taong mahal mo!!
Alam ko ang lahat ng nagyari sayo at sa mga mahal mo sa buhay kaya ito na ang panahon para bumalik ang alaala mo..
Marami ng nangyari sayo sa hirap at saya..
Kaya James inumin mo ang tubig sa fountain at babalik kana sa dapat mong kalagyan.."sambit ng batang kaharap ko.Nakaputi sya long sleeve na puti at pants na puti.
"Wag kang magalala malinis yang tubig sa fountain at buhay ka pa kaya ngayon inumin mo na ang tubig"nakangiting sambit ng bata sa akin.
Walang alinglangan na nilapitan ko ang fountain at sumalok ako ng tubig gamit ang dalawang palad ko sabay higop ng tubig.
Ng mainom ko na ito ay nakaramdam ako ng matinding pananakit ng ulo ko at napalingon ako sa batang nakatayo sa likuran ko.
"Magtiis ka lang james babalik kana sa dati??!!"masayang saad nito sabay kaway sa akin.
Nagtataka man ako ay di ko na lang sya pinansin at napahawak ako sa ulo ko at nagpagewang gewang ako sa paglalakad.
"Argghhh!! Ang sakit ng ulo ko!!"sigaw ko.
Sobrang sakit ng ulo ko na akala mo mabibiyak at sasabog.
At pa unti unti ay may nagflaflash back sa utak ko..
simula ng unang pasok ko sa high school at makilala ko si jaine at nainlove ako sa knya at nakilala ko si madeth at iba pa..
Lahat pumasok sa utak ko.
At sa huli ay naalala ko na ang lahat ng maaksidente ako 2 years ago dahil iniwasan ko ang itim na pusa at doon nagsimula ang lahat...Unti unti na rin na akong nawawalan ng malay sabay bumigay na ang katawan ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.
.................Pagkadilat ko ng mata at bigla akong napabangon at hinabol ang aking paghinga...
hinihingal akong napabangon at nagtaka ako ng makita ko na nasa isang akong bahay na puro kawayan ang paligid at maliit lang ang kwarto.
Luminga linga ako at nagtataka ako ng biglang kumirot ang ulo ko paghawak ko may benda ako sa ulo..
At nakahiga ako sa sahig na kawayan at may sapin at kumot at unan na nakalagay sa akin.Napahawak ako sa ulo ng maramdaman ko ang pagkahilo.
"Argghh nahihilo ako!!"sambit ko.
Sabay may narinig akong yabag na paa na papalapit sa akin.
dahan dahan akong tumingin sa pintong kawayan din.
May dalawang matanda na lumapit sa akin..
Napakunot noo ako.
"Sino po kayo??"takang tanong ko.
***************
BINABASA MO ANG
book 2: College Life
Teen Fictionmay magbabalik..?!! may magbabago..!! may masasaktan..?? may magpaparaya..?! may sasaya....!!!!!! nagmahal.. nasaktan.. sumaya... ang storyang ito ay may halong kilig at lungkot... iiyak at liligaya. ??!! kaya tunghayan natin ang kwento ng ating mg...