College Life: Jaine meet James Girlfriend!!

47 0 0
                                    

Chapter 9...

Jaine Pov..

Ako na ang tanga..
ako na ang manhid pero
Hindi ko talaga inaasahan na pati ba naman dito sya pa rin ang makikita ko..

Para kong tanga na nakatunganga at hindi pa rin gumagalaw dahil sa sobra kong shock.

Ngayon nasa harapan ko si James at hawak ako mula sa likuran.

parehas kaming nagtitigan sa isat isa at walang kumukurap.

Hindi pa rin makapaniwala ang sarili ko sa nakikita ko ngayon..

Wala pa rin pinagbago si James ganun pa rin lalong naging gwapo sa paningin ko..

Kumalabog na naman ang kalooban ko nagkakarerehan na naman ang puso ko sa sobrang kaba.

Nakadama ako na parang may kumikiliti sa loob ng aking tiyan.
at may kuryente na naman na dumaloy sa balat ko ng hawakan ako ni james..

Biglang namula ang pisngi ko ng maalala ko na nakasandal pala ako kay james..

Nataranta ako at pilit na kumakawala sa paghawak nya sa akin ngunit naalala ko na may sugat pala ako kaya bigla na naman kumirot ito.

"ouch.!! Aray ko!! Masakit!!" Daing ko sabay nagtatalon hawak ang tuhod ko para iangat ang paa ko.

"Are you ok jaine??!
Whats happening to you??!

Bakit may sugat ka sa paa mo??!"tanong nya sa akin sabay hawak muli sa akin at inilagay nya ang kamay ko sa balikat nya parang nakaakbay sa kanya.

Napatingin naman ako sa mukha nya.

Kitang kita ko sa mga mata nya ang pagaalala sa akin..
Pero bakit??!

Yun ang tanong ng isip ko.

Inalalayan nya ako dalhin sa isang malaking bato para ako ay paupuin dun.

Nang makaupo ako ay hinawakan nya ang paa ko at tiningnan ang sugat.

Tulala lang akong tinitingnan sya.

"Whats happen to you??!tanong nya habang Sinusuri ang talampakan ko.

Bumalik ako sa ulirat.

"Ahh anu nakatapak ako ng bubog..
naglalakad lakad kasi ako dito kanina ng di ko namalayan na may natapakan na pala ako.

Tapos pagtingin ko dumudugo na.."paliwanag ko.

Tumingin naman sya bigla sa akin at nagulat ako kaya napaiwas ako ng tingin.

"Tsk..
hindi ka kasi nagiingat yan tuloy nasugatan ka...
At saka asan ba ang mga kasama mo at nagiisa ka lang naglalakad dito..
Ee pano kung hindi kami napadaan dito sino tutulong sayo??!"inis na sambit nya sa akin.

Automatic naman akong napatingin sa kanya at napakunot noo.

"Sorry ha hindi ko naman alam na masusugatan pala ako at saka umalis lang saglit si tristan kasi may kukunin daw sya kaya naisipan ko muna na maglakad lakad sana saglit pero yun nga nagkasugat ako!!"mahinang saad ko.

"At saka bakit ka nga pala nandito rin wag mong sabihin na sinusundan mo kami pero teka sabi mo kami ibig sabihin may kasama ka sino??!"naguguluhang tanong ko.

"Tsk..
Asa ka naman na susundan kita nho..
ano ka sinuswerte...
Dito kasi malapit ang bahay ng Girlfriend ko!!"sabi ni james.

Para akong nabingi sa huling sinabi nya ee..
Hindi natanggap ng pandinig ko ang huling sinabi nya sa akin.

"Girlfriend??..."paninigurado kong tanong.

Tumango sya at ngumiti.

Parang tinusok at sinaksak ang puso ko ng ngumiti at tumango sya bilang sangayon sa tanong ko.

book 2: College LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon