College Life: Truth or dare??!

43 0 0
                                    

Chapter 14...

Jaine Pov...

Linggo..

Linggo na ngayon at mamayang madaling araw ang alis namin pabalik na sa bahay dahil may pasok na kami sa lunes.

Ngayon ay tanghaling tapat at lahat kaming magkakaibigan ay naglaro ng volleyball malapit sa dagat. Except ako dahil medyo masakit pa rin ang sugat ko.
kaya sila ethan irish. Madeth at Tristan ang naglalaro ng volleyball..

Ako naman nakahiga dito sa sa bench at inienjoy lang ang sariwang hangin.
Nakasalamin ako para di ako masinagan ng araw.

Naka t shirt at short ako ayaw akong pasuotin ni tristan ng bikini or swimsuit..
hahaha masyado nya kong pinoprotektahan...

Ayaw nya makita na magsuot ako ng sexy na damit or kung ano man..

Naiintindihan ko naman sya.

Si inay at jen jen naman nandun sa mababaw na tubig sa dagat at nageenjoy sa pagswimming.

Pagsapit naman ng alasais ay naisipan ng barkada na magbonfire kami dito ulit malapit sa dagat sa labas ng resort nila ethan.

Kumuha ang mga boys ng upuan namin na mahabang kahoy at doon kami umupo nakapalibot kami sa bonfire.

May dala rin kaming pagkain tulad ng marshmallow at barbieque at iba pa.

Si ethan at tristan ang nagiihaw nagdala din sila ng ihawan at dun niluto ang isaw dugo barbieque at iba pa.

Nagkaayos na rin kahapon sila tristan at james.
personal na kinausap ni tristan si james at humingi ng sorry sa nagawa nya.
Sinamahan sya ng tatlo ako lang ang hindi nakasama at kinuwento lang sa akin ni madeth ang nangyari dun sa bahay nila Lexi.

Nagpaliwanag sya kung bakit nya ito nagawa.
Pinatawad naman agad ito ni james at lexi.

.........................

Napalingon kami nila irish at madeth sa di kalayuan ng may papalapit sa amin.

Nagulat kami ng sila James at Lexi pala ang dumating.

Nakangiting tumingin sa amin si Lexi.

Huminto sila sa harapan namin.

"Hi guys..
Kayo pala ang nagbobonfire dito??!!
Akala namin kung sino!!??
Pwede ba kaming makijoin??!"tanong ni lexi.

Tumingin sa akin si irish at madeth na para bang nagtatanong kung ok lang sa akin.

Ngumiti ako at tumango.

"Sure bakit hindi...
welcome kayo dito!!"sagot ko.

Umatras ako para may maupuan sila.

Bali si madeth at irish ang katabi ko at sa kabila ang dalawa.

At nagkwentuhan kami.

Pagkatapos maluto ng pagkain ay isa isa kaming binigyan ni tristan at ethan.
nagpasalamat naman kami.

Pagkatapos kumain at kumain ng marshmallow ay tumabi na sa amin ang dalawa bali katabi ko si tristan na nakaakbay sa akin.
Si ethan kay irish at madeth katabi dun sa kabila kay james at si james kay lexi.

Nagsuggest si Lexi na maglaro kaming lahat sumangayon naman ang mga kaibigan ko.

"So guys truth or dare ito kung kanino tumapat ang bote sya ang taya game!!"masiglang saad ni lexi.

Tumango naman kami.
Ginamit nya ang isang boteng wala ng laman na  pinaginuman namin kanina.

Pinaikot na nya ang bote at tumapat ito kay ethan.

book 2: College LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon