College Life: province life

37 0 0
                                    

Chapter 30...

Jaine Pov...

Fast forward...

magtatatlong weeks na ng maging maayos na ang pakiramdam ko at ganun rin si James naging maayos na rin ang pakiramdam nya.

Naghilom na ang mga sugat nya sa ulo.

Napansin ko na naging mabait sya sa akin.
Sweet at caring.
sobrang pasasalamat ko sa kanya ng iligtas nya ako noon sa bangin pero parehas kaming nahulog ngunit ngayon ay ayos na.

Naikwento sa amin ni nanay maria at tatay macky na may anak sila noon pero namatay ito sa malubhang sakit.
Kaya naiwan na lang silang dalawa dito sa kanilang munting bahay.

Hindi na rin sila muli nagkaanak dahil sa komplikasyon sa matres ni nanay maria.

Matanda na rin sila at di na kaya pang magkaanak.
At umaasa na lang sila sa kanilang pensyon at pagaalaga ng  hayop at pagtatanim ng palay para mabuhay.

Naawa naman ako para sa kanila dahil wala silang anak at matanda na sila.
Nangangamba ako sa kalagayan nila ngayon pa na sila lang dalawa ang nakatira dito sa maliit at lumang bahay.

Sobrang bait nila sa amin ni james tinuring nila kaming tunay na anak.

Naiiyak akong isipin na iiwan namin sila dito at babalik na sa manila para bumalik sa aming pamilya.

Napaluha ako.

Ngayon ay nakatambay ako sa likod bahay nila sa kawayan na upuan.

Namimiss ko na ang mga kaibigan ko at pamilya ko.

Wala akong dalang cellphone o kahit anong gamit nung panahon na tumakbo ako para iwasan sana si james.

Sabi rin nila nanay maria na walang signal dito dahil mahirap lang ang buhay sa lugar nila.

Wala rin silang kuryente at gamit nila ay makaluma na rin.
Naawa ako sa kalagayan nila wala akong magawa para tulungan sila.

Nagulat ako ng may tumabi sa akin at yakapin ako patalikod.

Alm ko naman kung sino ito.

"Anong iniisip mo jaine???"tanong sa akin ni james.

"Iniisip ko ang pamilya ko kapatid at mga kaibigan natin na naiwan sa bundok..alm ko sobra na silang nagaalala sa atin dahil bigla na lang tayong nawala..
lalo na si tristan alam ko nagaalala na yun sa akin.
tatlong linggo na tayong nandito kila nanay maria!!"mahabang saad ko.

Nagulat ako ng luwagan nya ang pagkakayakap nya sa akin.

Napalingon tuloy ako sa knya.
Kita ko ang pagbago ng expresyon ng mukha nya.

"Tristan tch.."-james.

"Anu yun??!"tanong ko di ko kasi narinig masyado.

Umiling sya.

"Wala"sabi ni james.

"Wala tayong magagawa dahil malayo ang bayan dito para bumalik tayo sa mansyon namin kaya kailangan natin magtiis para makasurvive at saka pasalamat tayo dahil may tumulong sa atin at sobrang bait nila sa atin at tinuring nila tayong parang anak na rin..
Nakakalungkot isipan na nawala  sila ng anak.
Pero diyos lang ang nakakaalm ng lahat at diyos rin ang bahala sa atin.!!"seryosong saad nya sabay hawak sa kamay ko.

"Tama ka james..
Pasalamat tayo at nakaligtas tayo at buhay..
Naaawa nga ako kila nanay maria at tatay macky kasi namatay ang kaisa isang anak sana nila..."malungkot na sambit ko sabay yuko.
Naramdaman ko ang biglang pagyakap ni james sa akin sabay halik sa noo ko.

"Wag kang magalala tutulungan ko sila kapag nakabalik na tayo sa mansyon namin....!!"-james.

Napangiti ako at napatango.
Gumanti na rin ako ng yakap.

At pagkatapos ng paguusap namin ay humiga kami at pinagmasdan ang kalangitan.

Fast forward...

Umaga na at maaga kaming nagising ni james tumulong sa gawaing bahay at pagsapit ng ala una ay pumunta kami sa bukid para samahan si tatay macky na magsaka.

Sobra akong natatawa sa itsura ni james dahil nagprisinta sya na tumulong kay tatay macky kung paano magtanim ng palay..
Puro putik na ang kanyang damit at pants.

Pati mukha nya puro dumi na rin.
Pero nakikita ko ang determinasyon nya na makatulong kay tatay macky dahil matanda na ito at walang ibang tutulong sa magasawa kundi sila lang.

Habang kami ni nanay maria ang naghahanda ng makakain ng dalawa.

Napapangiti na lang ako sa naiisip ko dahil isang badboy noon at babaero at isang mayamang tao na ngayon ay nagsasaka habang hila hila ang isang kalabaw.

pagkatapos magtanim ay inaya na ni nanay maria sila tatay macky at james na kumain ng pananghalian.

Pagkatapos ng gawain sa bukid ay umuwi na kaming apat para magpahinga.

Habang naglilinis ako ng plato ay nakarinig ako ng pagkabagsak ng gamit.

Nagulat ako at kinabahan.

Napatakbo ako papunta sa sala sa sobrang kaba at nakita ko si james na tulala habang nakatayo at sa sahig ay may picture frame na nabasag ang frame.

.......................

book 2: College LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon