CHAPTER 3

4K 125 9
                                    

Tuluyan niyang nalimot ang tungkol sa lalaki nang makita ang Spanish style villa sa dulo ng mahaba at tila walang katapusang driveway. She knew that this is the Bernardos' ancestral house. Itinayo matagal na panahon nang nakakaraan subalit nananatiling matatag. Maka-ilang beses na ni-renovate ngunit hindi nawawala ang bakas ng orhinal nitong disenyo.

Dalawang palapag ang villa ngunit hindi man lang yata nito inabot ang kalahati ng sukat ng mansiyong tinitirhan nilang mag-ina sa Maynila. Buhay na buhay ang makukulay na halaman sa munting hardin sa harapan. May maganda at malaking fountain pa sa gitna ng circular driveway na talagang agaw-pansin.

Her heart was literally pounding inside its cage when the van finally stopped in front of her father's house. Inabot ni Rene ang kanyang duffel bag na agad niyang nilagay sa balikat. Binuksan ni Manong Roberto ang pintuan ng van para sa kanya at inalalayan siya pababa.

"Liberty! Anak!" ang maligayang boses ng kanyang ama ang unang sumalubong sa kanya nang makababa sa sasakyan.

Madali niyang nakita ang ama sa grupo ng mga taong tila naka-abang din sa kanyang pagdating. He's a tall and muscular man with a tanned skin from hours of labor under the sun. His get-up was that of a typical haciendero. Flannel shirt, maong, brown boots and cowboy hat.

Hindi niya mapigilan ang sariling ikumpara ang ama sa mga nakarelasyon ng ina. They were all rich businessmen who wear crisp and expensive three piece suit every day and whose offices were fully air-conditioned and comfortable. Looking at her father's ragged cowboy image, she can't help but wonder how on Earth her vain and fickle mother fell for him.

Though, her father is a very handsome man with brooding dark eyes, narrow nose and strong angular jaw defined by a thin layer of facial hair. He looked so strong and manly. But, still, definitely out of her mother's league. Hindi niya ma-imagine ang kanyang ina sa lugar na ito kasama ng kanyang ama. The thought is so funny that it almost made her laugh.

"Pa!" malapad ang kanyang ngiti nang takbuhin ang pagitan nilang mag-ama para yakapin ito ng mahigpit.

It felt so good to finally hug her father after so many years. Though it's odd how she's still familiar with the warm and comfortable feeling of his embrace.

"Dalagang-dalaga ka na, anak! Napakaganda mo!" anito nang bahagyang lumayo at hawakan siya sa magkabilang balikat para tignan.

Her father's eyes were glossy as he looked at her from head to foot. Memorizing even the smallest detail of her face. Bakas sa ekspresyon ang pangungulila, pagkamangha at pananabik. He hugged her tightly again. She could feel his joy and excitement to see her too.

"I missed you," she told him. Her voice cracking a little.

Wala mang araw na hindi ito nakalimot tumawag at mangumusta sa kanya ay iba pa rin iyong pisikal niyang makasama ito. She's really longing for him. For a father. Mabait man sa kanya ang mga dating naka-relasyon ng ina ay wala sa mga ito ang nagsilbing father figure para sa kanya.

Maybe because their relationship with her mother is just brief and short. Before they could even warm up to her, nakahiwalayan na ito ng kanyang ina. And some were not just fatherly. Ang gusto lang ay ang kanyang ina at hindi ang responsibilidad na maging ama para sa kanya.

"Ako rin, anak. Miss na miss kita," hinalikan ng kanyang ama ang sentido. Nang muling lumayo ay mabilis na pinalis ang luhang nakatakas sa mga mata bago ngumiti. "Halika at marami ako'ng ipapakilala sa'yo. Mga kasama ko sa bahay at makakasama mo rin sa bakasyon mo rito."

Inakbayan siya ng ama at hinarap sa ibang naroon.

"Ito si Nana Conchita, siya ang namamahala sa bahay," pakilala ng kanyang ama sa pinaka-matanda sa grupo. She's a big woman with gray hair but sharp eyes. "Ito sina Leizel, Jane, Aileen at Benjamin. Ito si Rowena ang pinaka-masarap magluto sa buong probinsiya."

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon