Aside from exploring the place, she also tried to do some farm tasks. Tulad ng pagpapakain ng mga alagang hayop at maging paggatas sa baka't kambing! That occupied her time for the whole week. She enjoyed all those activities even if she becomes dirty and sweaty after.
Sinamahan pa siya ni Donny na mamili ng mga pantalon at mas angkop na kasuotan para sa bukid. She noticed how he only approves clothes that are less revealing. Kung hindi kasi papasa rito, kahit pa ano'ng pilit ang kanyang gawin ay hindi nito hinahayaang bilhin niya iyon.
"Ripped jeans naman 'to ah!" giit niya nang ilingan nito ang ripped jeans na na-tipuhan niya.
Sa tiangge sila bumili no'n. Masyado pa kasing malayo ang pinaka-malaking mall dito samantalang ang tiangge ay isang tricycle lang. And, by the way, that's the first time she ever rode a tricycle! Pigil ang tawa ni Donny habang pinagmamasdan siyang namamangha sa simpleng pagsakay sa tricycle.
And she can't also believe how cheap the items that can be bought here! Akala niya nga kanina niloloko lang siya no'ng ale nang sabihin nitong singkuwenta lang ang magandang blouse na nakita niya. Kung sa mall ay aabot siguro iyon ng libo.
"Bumili ka pa kung gusto mo lang din pala ng sira," matabang nitong sinabi habang naka-krus ang mga braso sa dibdib at sinusuyod ang iba pang paninda roon.
"It's style!"
He smirked before looking at her through his eyelids. She sucked in her breath and focused her eyes somewhere. Damn, does he have to be that beautiful? Nahihirapan siya kapag nagtatalo sila dahil nawawala sa tuwid nitong pag-iisip ang kanyang utak.
"Style? Sa bahay, ginagawang basahan ni nanay ang mga ganyang damit. Iyong butas-butas."
She groaned. She really liked that ripped jeans! "You're so mahigpit," she murmured.
Kung hindi pa siguro siya hinila ni Donny paalis doon, baka nabili na niya ang lahat ng damit na nakita niya. She was really amazed by how cheap everything is! They also went to this ukay shop and there were twenty peso worth clothing items. Swear, she could faint!
Pero five hundred pesos lang daw ang maaari nilang gastusin para sa damit. Marami na rin naman siyang nabili sa perang iyon. But she has extra money in her wallet and she wanted to buy more. But Donny will always be Donny. Triple pa yata ang higpit nito sa kanyang daddy!
Ngunit nabura naman ang kanyang pagsimangot nang lumitaw sa harapan ang ube ice cream na nasa apa. Ngumunguso pa niyang inabot iyon at agad na kinainan. Mula sa kinauupuan niya sa ilalim ng malaking punong mangga sa parkeng iyon ay pinagmasdan niya si Donny na bumabalik sa ice cream vendor na pinagbilhan nito ng dirty ice cream.
After buying one for him, he went back to her holding all the plastic bags. Tumabi si Donny sa kanya at sumulyap. Nginisihan niya ito bago hinarap ang sariling pagkain. Napagod siya sa pag-iikot-ikot nila pero masaya siya kahit wala namang kamangha-mangha sa ginagawa nila.
"Napagod ka?" he asked after a while.
"A little but I'm fine. I actually enjoyed the experience."
Naiiling ito'ng ngumiti bago kinainan ang ice cream. Napatulala siya nang dilaan at kagatin nito ang ibabang labi para alisin ang naiwang ice cream doon. Ang pusong hindi niya masyadong inintindi kanina ay nagpapapansin na naman ngayon. It was hammering wildly inside its cage.
"Ngayon ka pa lang nakaranas mag-tiangge?" kuryosong tanong ni Donny bago bumaling sa kanya.
Tinuwid niya ang upo at napakurap ng mga mata. Nahihiyang baka naabutan nito kung paanong pagtitig ang ginagawa niya sa mga labi nito kanina. "Y-Yes. I-I've never been to one before. Ang mura pala ng mga damit dito pero maganda naman."
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfiction"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."