Iniwanan niya ang tiya at si Donny sa kusina upang maligo at makapagpalit ng damit. Paakyat na siya ng silid nang marinig ang pagdating ni Mae.
Padabog ang pagbukas niya ng pintuan ng banyo at pagpihit sa gripo ng shower. Hindi niya sigurado kung para sa alin ang kanyang inis. Kay Donny ba na pumayag pa sa paanyaya ng tiya niyang dito na mag-agahan o sa sarili dahil sa kahibangan niya kanina.
She let Donny kiss her again for goodness' sake! Oh, she should change that. She kissed Donny! Pilit ang kumbinsi niya sa sariling galit siya rito ngunit iba naman sa sinasabi ang kanyang ikinikilos! When will she stop embarrassing herself in front of him? Kaya siguro kahit ano'ng taboy niya kay Donny ay hindi ito naniniwala!
Bakit naman ito maniniwala sa pananaboy niya? Kung sa bawat haplos nito ay hindi niya mapigilan ang malusaw at manghina. Kung tuwing hahalikan siya nito ay hindi niya maiwasang hindi tumugon.
Patuloy siya sa pagngiwi at pang-aaway sa sarili habang namimili ng damit na isusuot. Dahil hindi niya inaasahang magtutungo sa hacienda, ang mga damit na na-empake niya ay pawang pormal at pang-opisina. None of those are appropriate for the hot and humid weather in the province.
Sa pagkalkal niya sa cabinet ay nakita niya ang isang peach cotton dress. Dala niya ang damit na ito noong magtungo rito sampung taon na ang nakakaraan at maaring naiwanan niya nang mag-alsa balutan. Kinuha niya ang damit at sinuot iyon. Namangha nang magkasya pa rin iyon sa kanya bagaman umigsi ng kaunti ang laylayan ng palda.
Dinampot niya ang hairbrush at ang pagsusuklay naman ng buhok ang pinagkaabalahan niyang gawin. Habang ginagawa iyon ay patuloy ang panenermon niya sa sarili sa kanyang isip.
Hindi na niya talaga mapapatawad pa ang sarili oras na hayaan na naman niyang malusaw sa mga halik ni Donny! But to be fair, who would say no to his kisses? Who wouldn't be attracted to Donny? Matangkad, moreno, may magandang pangangatawan, tsokolateng mga mata na nakakapanlambot kung tumingin, buo at mamula-mulang labi na masarap humalik, malalim at buong boses na animo'y palaging nang-aakit...
She's just a woman who knows how to appreciate. Nga lang ay maling lalaki ito'ng kanyang kinahihibangan. Donny, of all people! Oras na matuklasan ng kanyang mommy na nagpapakahibang siyang muli sa panganay na anak ng babaeng kinamumuhian nito ay ay nasisiguro niyang itatakwil na siya nito. She'll hurt her mother too, bagay na ayaw na niyang mangyari.
Pero ano ba'ng dapat niyang gawin? She's strong when Donny's not around but when he is...wala siyang magawa kung hindi ang paulit-ulit na magpatihulog sa bangin ng pagkahibang niya rito. Why do we always want something that is forbidden?
Ang katok sa pintuan ng kanyang silid ang nagpahinto sa linya ng kanyang iniisip. Ibinaba niya ang brush at pinagmasdan ang sarili sa salamin. She didn't put any cosmetics on her face but her cheeks were naturally rosy and her lips in a light pink shade.
Narinig niyang muli ang katok. Nasisiguro niyang ang tiya niya ito na tinatawag na siya sa hapag.
"Coming!" Umalis na siya sa harap ng salamin para lumabas ng kuwarto. Ngunit hindi niya naitago ang pagkabigla nang sa halip na ang tiya Helga ang maabutan sa labas, si Donny ang bumungad sa kanya.
"Ipinapatawag ka na ng daddy mo sa baba," he said in his rich and manly voice.
Tumikhim siya at naramdaman ang paggapang ng init patungo sa kanyang mga pisngi. "P-Pababa na rin ako."
Bago pa man ito makapag-salita, nagpatiuna na siya sa paglalakad. Naririnig niya ang mga yabag nitong nakasunod sa likuran niya. Nararamdaman niya rin ang mga mata nitong mataman ang ginagawang pagtitig sa kanya.
Puno na ng pagkain ang mesa nang makababa siya. Hinalikan niya ang kanyang ama sa pisngi upang batiin ito bago naupo sa silyang kasunod ng kanyang tiya. Pinunan naman ni Donny ang silyang nasa kanan ng kabisera. Kaharap nito ang tiya niya but his intense brown eyes were fixed on her.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfiction"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."