Lumipas ang gabi ngunit hindi man lang napawi kahit kaunti ang galit na nararamdaman niya. Hanggang pagkagising kinaumagahan ang tanging laman lang ng isip niya ay ang lahat ng bagay na nais niyang sabihin kay Donny mamaya sa paghaharap nila.
Ayaw man niya ay nakakaramdam din siya ng hinanakit sa kanyang tiya. Sabi nito para daw sa kanya ang ginawa? Paanong naging para sa kanya ang desisyon nitong ibenta kay Donny ang bahagi nito ng lupa?
Patunay lamang iyon na maging sarili niyang pamilya ay hindi pinagkakatiwalaan ang kakayahan niya! Her tita would prefer an outsider to take care of the land the Bernardos had owned for decades! Paano pa siya pagkakatiwalaan ng mga tauhan nila at makukuha ang tiwala ng mga ito kung ganoon? Mas lalong kukuwestiyunin ng mga ito ang abilidad niya!
Ipinaligpit na niya kay Mae ang bowl na may lamang oatmeal at prutas hindi pa man niya tuluyang nauubos iyon. Sa linya ng kanyang isip, nawalan na siya ng gana at panlasa kaya minabuti na lamang niyang lumabas upang mag-jogging. Kukunin na rin niyang pagkakataon iyon upang tignan ang ilang aktibidad sa hacienda bago umalis mamaya.
Ilang beses niyang inikot ang taniman nang mapagpasyahang huminto. Nilapitan niya rin si Mang Roman upang batiin at kausapin ito nang matagpuan niya ito'ng may kasamang isa sa kanilang magsasaka. Nang matanaw ng tauhang iyon ang paglapit niya, bumakas sa ekspresyon nito ang pagkabalisa bago dali-daling nagpaalam kay Mang Hugo at umalis.
Napabuga siya ng hangin ngunit ipinagpatuloy ang paglapit sa matanda.
Wala siyang sama ng loob dito o sa iba pang mga tauhan. Naiintindihan niya ang pagiging ilag ng mga ito sa kanya marahil dahil nga hindi naman siya lumaking nasasaksihan ng mga ito. Alam din ng mga ito'ng nagmula siya sa isang prominenteng pamilya sa Maynila. Bagaman may kaya rin naman ang mga Bernardo, hindi iyon naging hadlang upang mapalapit sa mga magsasaka dahil pamilya ang turing sa mga ito at hindi empleyado.
Nais niya ring maging ganoon ang relasyon sa mga ito. Nais niyang maging kumportable sa kanya ang mga tauhan at baguhin ang nakatatak nang opinyon ng mga ito sa kanya. Mahalaga ang mga ito sa kanyang daddy at alam niyang ganoon din ang daddy niya para sa mga ito kaya gusto niyang makasundo ang mga ito.
Ngunit hindi siya mabibigyan ng pagkakataong gawin iyon kung mapupunta kay Donny ang kalahati ng hacienda. Nasisiguro niyang oras na mangyari iyon, walang lingon-likod siyang tatalikuran ng mga tauhan upang piliing pagsilbihan ito. They all know him since the day he was born. Kumpara din sa kanya, para sa mga tauhan, mas si Donny ang totoong sunod sa yapak ng kanyang ama kaya natural na narito ang katapatan ng mga ito.
Kaya hindi niya maaaring basta hayaan ang tiya sa binabalak nito. Hindi niya alam kung paanong pangungumbinsi kay Donny ang gagawin niya mamaya pero ang sigurado siya'y hindi niya basta isusuko ang lupaing ito. Gagawain niya ang lahat...ang kahit na ano...mapanatili lang sa kanilang pamilya ang hacienda.
Tinanong niya si Mang Roman sa mga kakailanganin nito para sa araw na iyon. Ipinaalam niya ring aalis siya ngunit hindi muna binanggit kung saan ang punta. Mas mainam nang ganoon. Ayaw niyang mabigyan pa ang gagawin niya ng maling interpretasyon at mas lalong masira sa mga magsasaka.
After eating her lunch, she decided to get dressed already. Nagtagal siya ng husto sa banyo at ganoon din sa harapan ng kanyang vanity mirror. Mainit ang panahon kaya manipis na make-up lang ang nilagay niya sa mukha. Itinali niya rin ang buhok na sadyang kinulot sa dulo para sa isang ponytail upang mas umaliwalas ang pakiramdam.
Kontento niyang sinilayan ang repleksiyon sa salamin. Ginilid niya ang katawan upang mas maayos na bistahan ang kabuuan ng kanyang suot. She's wearing a backless white spaghetti strap silk top with low neckline. Nagku-krus ang mga tali sa likod bilang disenyo. Pinarisan niya iyon ng pinstriped pants at paboritong Louboutin shoes.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfic"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."