Sinalubong sila ni Donny ng pagbati mula kay Aling Lydia at sa mga tauhan nito sa rancho. She smiled and thanked all their greetings. Naroon din ang tiyo ni Donny at sa kabila ng pagiging hindi komportable sa presensiya nito ay sinikap niyang bigyan ito ng sinserong ngiti.
"Nakakabigla ang balitang ito," panimula nito. "Pero masaya ako'ng pormal ka nang miyembro ng pamilya, Liberty."
"Salamat po," magalang siyang tumango at sinulyapan ang direksiyon ni Donny. Napahiwalay siya sa asawa na ngayon ay abalang nakikipag-usap kanila Mel.
"Alam ba ito ng pamilya mo Lily? Hindi ba't galit si Soledad kay Mirasol?" ani Mang Hugo na nagpabalik ng kanyang atensiyon dito. "Nakakapagtaka lang na nagawa niyong magpakasal ni Donato nang walang nangyayaring malaking gulo rito."
Magkahalong kaba at pagkailang ang nararamdaman niya dahil sa panunudyong nahihimigan niya sa tono nito. Kakaiba rin ang ngiting iginagawad nito sa kanya.
She took a step back. Napansin iyon ni Mang Hugo dahilan upang mas lalong lumapad ang ngiti. "Huwag kang matakot sa'kin, Lily, dahil wala naman ako'ng masamang ibig sabihin. Gaya nga ng sinabi ko...nagtataka lang naman ako. Kailan lang noong sugurin ng iyong ina si Mirasol sa burol ni Albert. Tapos ngayon kasal na kayong dalawa ng pamangkin ko. Mabuti at hindi tumutol ang iyong pamilya sa desisyon mong ito."
"T-They...did disagree," she said after finally finding her voice. "B-But I'm of the right age to get married. Wala silang magagawa kung piliin ko mang pakasalan si Donny, Mang Hugo."
Marahan ito'ng tumango ngunit mukhang hindi nabibilib sa kanyang sagot. Hindi niya maaaring sabihin dito na hindi totoo ang kasal na ito. Maliban sa napakaraming tao roon na maaaring makarinig, mayroong kung ano sa tiyo ni Donny ang hindi niya maipaliwanag. Something's telling her that she couldn't trust the guy even though Mang Hugo was a good friend of her father.
"Kung ganoong wala naman pala silang magagawa sana ay dito na lamang kayo nagpakasal ni Donato sa halip na sa Hong Kong. Para naman nakadalo kami," anitong nananatili ang mapanganib na ngiti.
"There will be another wedding. A church wedding. Imbitado ang lahat doon," ang baritonong tinig ni Donny kasabay ng pagpulupot ng braso nito sa kanyang bewang.
Itinago niya ang pagsinghap sa relief na naramdaman dahil sa pagdating nito roon. Ni hindi niya magawang lubusang magalit dahil sa sinabi nito. A church wedding? At pinangako pang imbitado ang lahat doon?! They both know it will never happen!
Ngunit dahil nararamdaman pa rin ang panghihina matapos ng sandaling pakikipag-usap kay Mang Hugo ay siniksik niyang lalo ang katawan sa asawa. Pinakalma ang sarili sa pamamagitan ng init na nagmumula rito. She felt his arm tightened around her small waist then a kiss on the side of her head followed.
Nanunuri ang tinging ibinibigay ni Mang Hugo sa kanilang dalawa ni Donny. Mabuti at tila natural sa kanilang dalawa nito ang ginagawang pagdi-display ng affection sa isa't-isa. Hindi sila nahihirapang umarte sa harapan ng marami.
"Mabuti naman kung ganoon, Donato. Panganay ka ni Mirasol at nasisiguro kong gusto naman niyang makita ang kanyang anak na ikinakasal," sumulyap sa kanya si Mang Hugo. "Ganoon din para sa pamilya mo, Liberty, bilang nag-iisa kang anak na babae."
Nagpaalam na si Mang Hugo na babalikan ang mga gawaing pansamantalang iniwan. Isa-isa na ring nagsipulasan ang mga tauhan na naroon nang tawagin nito. Hindi niya maiwasang umasa na sana ay kasing-init at ligaya ng pagtanggap ng mga ito ang maging pagtanggap sa kanya ng mga magsasaka ng hacienda. Bukas niya pa malalaman pagtungo roon dahil magiging abala siya sa buong araw.
"Hindi ba kayo manananghalian? Naghanda ako ng pagkain, Donato, Lily," ani Aling Lydia.
"Salamat pero tapos na kaming kumain, Manang. Nag-stopover kami sa isang restaurant bago makarating dito," sagot ni Donny na tinanguan ng kausap.
![](https://img.wattpad.com/cover/120664250-288-k928880.jpg)
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfic"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."