CHAPTER 7

3.2K 130 4
                                    

"You're late," Lily announced before standing up from the second step of the front porch. She's been sitting there and waiting for Donny for almost two hours!

Nagsalubong ang magkabilang kilay ni Donny sa pagtataka. Pansin niyang nagpalit na ito ng damit. His lean body was straining against his plain white t-shirt and maong shorts. Ang preskong amoy ng sabon, shampoo at panlalaking pabango na nagmumula rito ay nagsasabi sa kanyang naligo rin ito.

Nabawasan ng kaunti ang kanyang inis. He's still exceptionally good-looking even when covered with dirt and sweat but now that he's clean and fresh from the shower...Donny was something else.

Kung siguro'y mag-desisyon ito'ng mag-modelo sa Maynila ay malayo ang mararating nito. Pag-aagawan ito ng mga agency doon at paniguradong hindi aabutin ng taon ay agad ito'ng sisikat.

His height was perfect. His physique is even more godly and his face...damn that remarkably beautiful face. Tuwing makikita na lang niya ito ay para siyang nakakakita ng aparisyon. He's too good-looking that sometimes she doubts if Donny is real.

"It's just ten minutes past three o'clock, Liberty. Para namang ilang oras kang naghintay dito."

Nanulis ang kanyang nguso. Ilang oras nga siyang naghintay dito! Hindi pa naga-ala una nang matapos siyang mag-prepare at maupo roon para hintayin ang pagdating ni Donny. Ayaw lang naman niyang ma-late sa usapan nila dahil baka totohanin nito ang sinabi't hindi talaga ito maghintay para sa kanya.

"Still! You said three o' clock. Akala ko pa naman prompt ka." Hindi na niya binunyag na kanina pa talaga siya roon! Baka mamaya ay pagtawanan lang nito ang kahibangan niya.

"Hindi ko rin inaasahan na magiging maaga ka. Akala ko maghihintay pa ako ng matagal para sa prinsesa," panunuya nito sa kanya.

Sinimangutan niya si Donny. Hindi niya alam kung kailan siya nagpa-prinsesa sa harapan nito para tuyain siya ng ganito!

"Don't call me that," irap niya rito.

"Bakit naman? Ganyan ang tawag sa'yo ni tatay hindi ba?"

"Dad was different. He uses that word as an endearment while you obviously don't!"

Ngumisi ito ngunit wala nang idinugtong pa. Bakit nga ba sila nagbu-buskahan dito? Hindi ba dapat ay nagsisimula na silang mamasyal?! She'd been looking forward to this since yesterday!

"T-Tara na nga..." yaya niya rito.

Ngunit sa halip na kumilos ay nanatili sa kinatatayuan nito si Donny habang matamang binibistahan ang kabuuan niya. The way he's scrutinizing her look made her blush hard. Hindi niya alam kung ano'ng mayroon kay Donny para pakabahin siya ng husto sa simpleng tingin lamang nito.

"W-Why?" tanong niya pagkaraan ng hindi pa rin nito pagsasalita.

"Saan ka ba mamamasyal, Liberty. Sa bukid o sa mall?" his tone was dripping with sarcasm.

Nilingon niya tuloy ang kanyang suot. Bakit naman tinatanong ni Donny iyon? Her get-up was appropriate for the farm! A red flannel shirt with sleeves folded on her forearm over a white cropped sleeveless and maong shorts. Naka-brown na boots pa nga siya, eh! May kaunti iyong takong sa heels but still!

Ang buhok niya ay naka-messy braid naman. Wala rin siyang suot na make-up except for her lip and cheek tint. Over all tingin niya ay nararapat naman ang kanyang suot. Obviously, si Donny ang may problema sa kanilang dalawa at hindi siya.

"This is farm appropriate!" giit niya. "Ano ba talagang problema mo sa mga damit ko? Kahapon iyong dress ko ang pinagdi-diskatahan mo. Now that I'm wearing more appropriate clothing for the farm, may sinasabi ka pa rin!"

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon