CHAPTER 49

6.1K 142 77
                                    

WARNING: R18

-------------------------------------------------------

Nais niyang mapasigaw sa pinaghalong galit at pagdaramdam. How could Donny easily believe Ysabel's lies? Bakit sa halip na ipagtanggol siya at ang kanyang mommy ay siya pa ang pinatahimik nito kanina?

Then she realized how fool she is to expect otherwise from him. Ilang beses na ba nilang nasaktan at ininsulto ng kanyang mommy si Donny at ang nanay nito? Siguradong tulad ng lahat ay masama rin ang tingin nito sa kanilang mag-ina. Lalo na dahil narinig pa nito ang ginawa niyang pagbabanta kay Ysabel kanina.

Ngunit sana'y binigyan man lang siya nito ng pagkakataong magpaliwanag. Sana sinubukan muna siya nitong pakinggan bago nagbigay kaagad ng hatol. Hindi siya ang pinaka-mabuting tao sa mundo pero hindi siya magagalit at magbabanta ng ganoon kung hindi naman siya hinimok ni Ysabel.

Marahas niyang tinuyo ang luhang hindi napigilang bumagsak. Hinablot niya ang susi ng sasakyan na isinabit niya sa key holder na nasa kusina. Madalas ay sa kuwarto niya iniiwanan ang susi ng BMW pero dahil sa kusina siya dumiretso kanina pagkadating ay naroon nakalagay iyon. Bagay na ngayon ay labis niyang ipinagpapasalamat.

Tumakbo siya palabas sa back door. Narinig niya ang mabibigat na hakbang at tinig ni Donny mula sa loob ng bahay habang tinatawag ang kanyang pangalan. Dumadagundong ang boses sa galit. Marahil kakaalis lamang ng mga Robles at hindi naging maayos ang usapan ng mga ito.

She dashed to her car. Mabilis na binuksan ang pintuan niyon saka binuhay ang makina. She doesn't want to face his wrath tonight. Napapagod siya't nasasaktan pa ng labis. Alam naman niyang kagagalitan lang siya ni Donny dahil sa nangyari at kahit ano'ng paliwanag ang gawin niya, hinding-hindi nito iyon pakikinggan.

Mula sa side mirror ay nakita niya ang mabilis nitong paglabas ng bahay habang nakatunghay sa sasakyang matuling tumatakbo. Pasigaw na tinawag nito ang kanyang pangalan. Nang matanto marahil na wala siyang balak ihinto ang sasakyan, malutong ito'ng nagmura bago tumakbo patungo sa direksiyon ng kuwadra. Inalis niya na ang tingin dito at tinuon na lang sa pagmamaneho ang buong atensiyon.

Madilim nang datnan niya ang villa. Hindi nakapagtataka dahil uwian si Mae at walang tumatao roon kapag gabi. Maagap niyang nahanap ang spare key ng bahay sa kanyang taguan at ginamit iyon upang buksan ang pinto. Ngunit bago pa tuluyang mapihit pabukas ang pintuan, isang malakas na puwersa ang humila sa braso niya.

"Damn you!" si Donny na labis ang panggagalaiti sa boses. "Sino'ng nagbigay pahintulot sa'yong magmaneho paalis ng bahay ng dis-oras ng gabi?! At madilim na ang kalsada pero napakabilis pa ng patakbo mo!"

Bukas na ang halos lahat ng butones ng polo nito kaya kita ang labis na pamumula ng leeg at dibdib. Napakabilis din ng taas-baba ng dibdib nito. Hindi niya sigurado kung sa tindi ng emosyon o sa pagmamadaling maabutan siya. Sa likod ay nasulyapan niya ang magiting na kabayong paniguradong ginamit nito upang magtungo roon.

Nagpumiglas ngunit tila siya munting bata sa mala-bakal na paggapos nito. "Let go of my arm, you bastard!" sinubukan niyang tapatan ang galit nito.

"You're coming home with me tonight, Liberty!" giit nito at isang hila lang sa braso niya'y muling natangay ang kanyang katawan patungo sa dibdib nito. "Bukas ay hihingi ka ng tawad sa mga Robles at mangangakong hindi mo na babastusin ulit ang mga bisita ko!"

Hindi niya napigilan ang palad nang dumapo sa pisngi nito. Nasaktan siya sa ginawang pagsampal ngunit tila hindi man lang natinag ito. Sinubukan niyang ulitin iyon sa pag-asang magagawa niyang saktan ito upang magkaroon ng tsansang makatakas ngunit mas naging alerto na ito ngayon.

Nahawakan ni Donny ang isa pa niyang pala-pulsuhan bago muling dumapo sa pisngi ang kanyang sampal. Nang subukan naman niyang sipain ito ay inipit ng mga binti nito ang binti niya. Itinulak siya sa pinto gamit ang katawan hanggang sa maidikit ang likod niya roon at tuluyan siyang magipit.

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon