Napapangalahatian na niya ang kanin at ulam nang ayawan niya na ito. Like what she told him, she really doesn't eat that much. Nagda-diet man o hindi. Mabilis siyang mabusog.
Donny's serious brown orbs never left her as she carefully placed down the utensils. Alam niyang maging habang kumakain siya'y hindi siya nilubayan ng matamang panonood nito.
Dinampot niya ang bottled water at uminom mula roon. After wiping the corners of her lips with a napkin, hinarap niya ito at tinignan ng tuwid sa mga mata sa kabila ng pambubulabog na ginagawa nito sa kanyang sistema.
"I'm done..." she announced.
Gumalaw ang makurbang mga labi ni Donny nang bahagya ito'ng ngumuso. She's starting to get really conscious with the way he's staring at her right now. Sana ay ganoon siya katatag gaya ng kanyang paniniwala. Dahil hindi niya magawang mapakalma ang puso sa marahas nitong pagtambol.
"Thanks for the meal...but I really do hope that this is the last time you'll meddle with my life again." Pagkasabi ng mga iyon ay ang pagdampot niya sa kanyang mga gamit at pag-alis doon.
Palabas na siya ng cafeteria nang mapansin ang hagikgikan ng mga nurses na siyang papasok naman sa loob. Their eyes were directed on something...or someone behind her. Naririnig niya ang hagikgikan at malalanding bulungan ng mga ito kahit pa noong nakalabas na siya.
Pumihit siya at hindi na nabigla pang matagpuan si Donny na nakasunod sa kanya. Sinasabi na nga ba niyang ito ang pinag-uusapan ng mga babaeng nurses na iyon kanina! Who else, right? Ganoon na ang epekto ni Donny sa mga babae noon. Ano pa kaya ngayong mas lalo lamang pinatingkad ng panahon ang kakisigan nito?
His round neck plain white shirt is a contrast to his dark moreno skin. Ang kumukupas nitong pantalon ay humahapit sa mahaba nitong mga binti. There's nothing extravagant and outstanding with what he's wearing. Ang tanging alahas sa katawan nito'y ang gintong kuwintas na noon pa man ay suot na ni Donny subalit ang mga mata ng kababaihang napapadaan sa kanila ay halos dumikit na rito.
"What are you doing?" aniyang naniningkit ang mga mata rito.
He didn't say anything. He just stood there with his six feet and so height, wide shoulders and massive built while looking at down at her like he hadn't heard anything.
"I thought you're going to leave me now! May usapan tayo, right?" aniya sa maarteng tinig.
Doon ay tila nangislap ang mga mata nito sa kung ano'ng panganib. "Hindi ko naalalang sumang-ayon ako, Liberty."
She huffed. Umiling siya bago naglakad palayo rito. Naririnig niya ang mga yabag ni Donny sa likod habang nakasunod sa kanya. Bukod pa sa mga babaeng, tulad no'ng nurses na nakasalubong nila kanina palabas sa cafeteria, naghahagikgikan na parang kinukurot ang mga singi na siyang palatandaan niya ring nasa likod niya pa si Donny.
Tinignan niya ng masama ang isang babaeng lantarang nakatitig kay Donny at ngumingiti rito. Nang mapansin siya ng babae ay halata ang takot sa ekspresyon nito bago dali-daling nag-iwas ng tingin at naglakad ng mabilis palayo. She smiled a triumphant one inwardly.
"Where are you going, princess?" anito nang marahil ay mapagtantong hindi ang pabalik sa silid ng kanyang ama ang tungo niya.
"Leave me alone," she said instead before stepping out to the hospital garden.
Natuklasan niya ang tungkol dito nang minsang manggaling din siya sa cafeteria. There were flowers everywhere. Iba't-iba ang kulay ngunit pawang matitingkad. Sa gitna nito'y may fountain na nagbubuga ng tubig. Nakaka-relax ang tunog ng lagaslas no'n.
Naupo siya sa bench na nasa ilalim ng matayog na puno. May mangilan-ngilang pasyente ang naroon kahit pa tanghaling tapat. The trees surrounding the area give enough shade for them. Mabini ring umiihip ang preskong hangin kaya pinagsawa niya ang sariling punuin ang baga niya nito.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfic"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."