What happened was all her fault. Hindi naman siya bulag sa mga naging pagkukulang niya kay Turs sa kanilang sampung taong relasyon. Aminado rin siyang kasalanan niya kung bakit pakiramdam nito ay kailanman hindi niya ito minahal ng katulad sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya.
She's wrong. Ang buong akala niya ay matutunan niya ring mahalin ito kalaunan. She's also at the lowest point of her life when they became a couple. Masama man sa pandinig, kinailangan niya ang atensiyon at pagmamahal ni Turs sa kanya nang mga panahong iyon. It keeps her from falling apart completely. It was late when she realized that he's hurting too.
Naging abala rin siya sa pag-aaral at career niya rito sa Paris. There were really times that she forgets to call or text to check on him. Hindi niya ring magawang iwanan ang trabaho tuwing bumibisita ito sa kanya. Sandali na nga lang iyon dahil sa pagiging abala rin nito sa Pilipinas ay hindi pa nasusulit.
Kaya hindi niya masisi si Turs kung totoo man ang mga balitang nakakarating sa kanya tungkol sa mga babae nito. Hindi niya maibigay dito ang kinakailangan nitong atensiyon at intimacy dahilan upang hanapin nito sa iba iyon. And, two nights ago, he probably got tired playing nice about their lack of intimacy. At hindi naging maganda ang kinalabasan no'n.
"New collection?"
Muntik na siyang madulas sa kinauupuang swivel chair na may mahabang backrest nang magulat sa biglaang pagsasalita ni Samantha. She gave her friend a sharp glare habang inaayos ang pagkaka-upo. Inilapag niya ang sketchpad at lapis sa mesa habang ang kanyang kaibigan ay natatawa.
"Did you forget how to knock, Sam?" she said, still annoyed. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya dahil sa pagka-gulat dito.
"Hey, I did knock! Ikaw ang parang walang naririnig diyan. Naka-lapit na ako't lahat pero hindi mo pa rin napapansin!" kinuha nito ang sketchpad kung saan ang ilang sketches niya ng mga bagong disenyo ng gowns.
Sinuklay niya ng daliri ang buhok na lampas na lamang ng kaunti sa balikat ang haba ngayon. Ang salaming dingding ng kanyang opisina ang nagpapakita sa kanya ng sariling repleksiyon. She's wearing a cream colored women's coat and matching pants. Underneath her coat was a black sleeveless top with plunging neckline. Kumikinang ang gold necklace sa makinis na balat sa bandang dibdib.
Tumango-tango ito. Her friend looked so pleased with her designs. "So...is this for a new collection? As expected, these designs are excellent, Lily."
She gave her friend a faint smile. "Thank you..."
Ngunit hindi talaga para sa Alegre Couture ang mga disenyong iyon. It's for another venture she's thinking. Her dream project. A low cost but quality and classy fashion for everyone. Matagal niya na ito'ng pinag-iisipang itayo ngunit hindi niya nakikita ang proyektong iyon sa bansang ito. She could picture it somewhere...in a place she'd never even dare dream of going back.
Ibinalik sa kanya ni Samantha ang kanyang sketchpad. Itinabi niya iyon bago sumandal sa kinauupuan at napa-buntong-hininga.
"Arturo?" her friend curiously asked.
Hindi na nakakapagtaka pang alam nito. Sa ilang taon nilang pagka-kaibigan ay kabisadong-kabisado na siya nito.
"Ahm...yeah. He's here two nights ago..."
"And...?"
Ibinaling niya sa ibang direksiyon ang upuan habang naka-krus ang mga binti. She took her pencil and absentmindedly played with it in her hand. "We...had a fight."
"Oh, break na kayo?" kaswal na tanong ng kaibigan niya. Alam nito ang tungkol sa relasyon niya kay Arturo...ang hindi lamang niya naibahagi sa kaibigan ay ang isang bahagi ng kanyang nakaraan.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfiction"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."